Aubrey's POV
I thought everything will be okay.
Akala ko kapag bumalik ako sa pilipinas magiging masaya ako. I left my country, even my family and my responsibilities for so many years. Akala ko talaga magiging okay na ang lahat kapag bumalik ako pero hindi. It turns out na magugulo ang lahat.
I want him back. God knows how much I love this guy. Natatandaan ko pa noong una ko siyang nakita. He barely talks. Wala siyang ganoong kaibigan o sinasamahan. Ang alam ko pa nga noon isa siyang loner at may malaking problema sa mundo.
Alam kong malayo ang agwat ng edad namin. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I was trapped. Nahulog ako sa kanya ng hindi ko na namamalayan.
And I was so stupid. Stupid for not even asking him if he has a girlfriend.
Akala ko ako na. Ako lang. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko kayang malaman ang totoo.
Hanggang sa hindi ko na kinaya.
Nasa condo niya ako noon nang ipahiram niya sa akin ang laptop niya. Hindi ko naman sinasadyang magcheck ng kanyang email pero dala ng kuryosidad ay napakialaman ko ito.
Doon ko na kita ang mensahe ng isang babae. Kilala ko siya. Ang kababata ng kapatid ko. Wala akong makapang galit para kay Fern. Mas nagalit ako para sa aking sarili. Ang tanga ko.
"I was raped. " sagot ko kahit alam ko na konti na lang manghihina na ako ng tuluyan.
Nanginginig ako noon sa takot at halos mawala na ang katinuan ko nang mangyari ang ikinatatakot ko. Paulit-ulit na bumabalik sa aking utak kung paano iyon nangyari. Kung paano ako napunta sa isang kama na hindi ko kilala.
Ang sakit. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit noong mga oras na iyon. Oo, halos mabaliw ako noon pero natakot ako sa pwedeng mangyari.
Sinubukan kong hanapin si Zach. Gustong gusto kong makausap siya at magmakaawa. Gusto kong yakapin siya at umiyak sa dibdib niya. Kailangan ko siya.
Hanggang sa nagdesisyon ako na umuwi ng pilipinas. I called him. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang kondisyon ko. Wala akong pinagsabihan.
"You're pregnant? Pero si-sino? " iyan agad ang unang tanong niya sa akin. Napayuko at nakaramdam ng hiya. Pero para sa batang ito gagawin ko ang lahat. Ayokong mabuhay siya sa kahihiyan.
"Sa'yo, Zach. Ikaw. " Pinigilan ko ang sarili ko na bawiin ito. Nasasaktan ako. Naguguilty ako sa ginagawa ko sa kanya.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa pagtataka ay napaltan ito ng galit. Nasabunutan niya ang sariling buhok habang naglalakad ng pabalik-balik.
"I-imposible naman ata ang sinasabi mo, Aubrey! " sambit niya sa nakatatakot na tono.
Umiling lamang ako sa kanya at mas lalo pang pinaniwala siya na sa kanya ang batang dinadala ko.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...