7. Announce..

58.7K 952 46
                                    

Please read this: Actually, ine-edit ko itong 'Almost'. May naisip akong isa pang way kung paano nila i-a-announce ang relationship nila. So nasa Chapter 6 iyong bagong way and this is the old way na nabasa dati ng mga readers. Hindi ko na ide-delete dahil mukha namang nagustuhan at okay yung feedbacks. :D Thank you so much forn reading this! Enjoy!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Zach na galit pero bakit nanghihina ang tuhod ko. He was breathing heavily and even his eyes was so damn amusing. Natutop ko ang aking bibig ng magsimula siyang lumakad papalapit sa akin.

"Bakit ka umalis?! "

"Zach.. "

"LAGI MO NA LANG BA AKONG IIWASAN HA?! ANO BA FERN! "

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw. Pulang pula ang kanyang mukha at nanlilisik ang kanyang mga mata. He clenched his jaw and started to walk towards me.

"Hindi ko na kaya. I tried to pretend for three days. But I just can't lalo na't kita ko kayo ng lalaking iyon! " aniya na may halong sarkastiko. "May kailangan ba akong malaman? " lumungkot ang mata niya.

"There's nothing to worry. " umiling iling ako at akmang lalayo ako sa kanya when he grabbed my shoulder at pinatigil ako mula sa paglayo. "Binibigyan kita ng oras para mag-isip. Alam kong hindi madali magdesisyon kaya sinubukan ko. Walang kinalaman si Harrison. "

"And now, you're defending him? " may pait sa boses niya nang bitawan niya ang mga salitang iyon. 

"Hindi. Walang kinalaman dito si Harrison. " huminga ako ng malalim. "Napag-isipan mo na ba? "

Matagal bago siya sumagot. Binitiwan niya ang balikat ko.

"Yes. "

Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Wala akong masabe dahil sa kabang bumabalot sa aking katawan ngayon. It's either we'll break up or we'll continue. Pero 50'50 ang chance na piliin niya yung pangalawa. Im not yet ready for this pero kaya kong tanggapin ang magiging desisyon niya. I can't do anything.

"You trust me right? "

Tumango ako sa kanya.

"Thank you. " nanlaki ang mata ko nang kabigin niya ang aking batok at mabilis na siniil ang aking labi. "I can't do this without you. Gusto kong malaman nilang lahat na akin ka. "

Sa isang iglap para akong lumilipad sa alapaap. Zach was holding my hand habang naglalakad kami sa corridor. Everyone was looking at us. Even the faculty teachers naaagaw namin ang pansin. Hindi pa rin mag-sink sa akin na nangyayare ito.

"Bro. Lakas ng trip natin ah! " napatigil kaming dalawa sa paglalakad. Napatingin ako sa mga football player ng school. Sila yung mga barkada ni Zach. Lahat sila may ngisi sa labi.

"Anong nakain mo? Bakit hawak mo ang kamay ni... "

"Siya yung tinatawag ni Pearl na freak, diba? Hahaha! "

Humigpit ang hawak ni Zach sa kamay ko. Nagtagis ang bagang niya at akmang susugurin niya ang mga ito nang hawakan ko ang braso niya.

"Tama na. " bulong ko sa kanya.

"Pero.. " tinitigan niya ako. "Okay. Fine. "

Hinirap niya ang mga ito ng may pagpipigil.

"Girlfriend ko. " 

Unang beses pa lamang iyon pero tila parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Tama ba ito?

Almost.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon