"Everyone has experienced a cramp. " Mahinahong sabi sa akin ni Harrison. Ang tinutukoy niya ay iyong nangyare kay Zach kanina. Marahan akong tumango. Saglit niyang sinimsim ang kape'ng inorder niya. "Hindi mo ba gagalawin ang pagkaing inorder ko para sayo?
Napatingin ako sa pagkaing inorder niya para sa akin. "Mamaya na lang ako kakain. " Tipid akong ngumiti.
Tumango lamang siya.
"Bakit mo ako gustong makausap? " Nakagat ko ang aking labi. "At ang sabi mo pa ay sasabihin mo sa akin ang lahat. Anong ibig mong sabihin dun, Harrison? "
Saglit siyang napaisip. Ako naman ay prenteng naghintay sa isasagot niya dahil gusto ko rin namang malaman ang sasabihin niya kahit na ang isip ko ay lumulutang papunta kay Zach. Isang oras na halos ang nakakalipas pero wala pa rin akong kaalam-alam kung anong kalagayan na niya.
Kahit pa sabihin sa akin ni Harrison na pinulikat lamang siya ay hindi pa rin mawawala sa akin ang pag-aalala. I just can't help it.
"Kung magagalit ka pagkatapos nito ay okay lang sa akin. I just did my part. You're not just a toy, Fern that's why Im doing this for you. " Huminga siya ng malalim. "Tungkol ito kay Zach at sa relasyon niyo. " matiim niyang akong tinitigan. "Diba gusto mong malaman ang nalalaman ko? "
"Tungkol kay Zach? "
Tumango siya.
I stared at him for awhile. "A-anong tungkol kay Zach?
Alam kong kahibangan ito. I should talk to Zach before I do this. Pero nandito na ito, eh. Kung ayaw niyang magkwento tungkol sa nangyari sa kanya habang nasa malayo, Harrison was here to tell it to me.
He took a beep breath before looking away. Gusto ko sanang hulihin ang mata niya habang naguusap kami pero pilit niya akong iniiwasan.
"Parehas kami ng school ni Zach. Same building and we were both in the same class at that time. " he stopped for awhile. "Kahit kailan hindi kami naging magkaibigan. Nagkasama na kami sa ibang sports pero palagi na lang kaming pinaglalaban. Kaya naisipan kong magquit sa lahat ng sports na andun siya. Para na rin malayo sa gulo dahil alam ko namang parehas naming ayaw sa isa't isa. " Umiling iling siya habang naglalaro ang isang ngiti. "Magkalaban ang business namin, and maybe it's our fate to become rival in everything. "
"Or maybe not. Siguro naman ay hindi talaga kayo magkalaban sa lahat, sinasabi mo lang 'yan dahil 'yon ang tingin niyo sa isa't isa. "
"I don't know, Fern. " Pinaikot ikot niya sa kanyang daliri ang susi ng kotse niya. "Kahit saan ko tignan ay ganoon ang tingin ko sa boyfriend mo. Lagi pa kaming naga-guidance dahil sa pag-aaway namin. Muntik pa kaming ipatalsik pero dahil malakas ang kapit ng parehas naming pamilya hindi kami naalis. "
Napatango ako. "Ang pera nga naman. "
Napangiti siya sa sinabi ko pero agad ding nabura. "Si Zach.. He had an accident, Fern. "
Namilog ang mata ko. "What? " halos wala nang lumabas na boses sa aking bibig. I was caught off guard. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaction. Sobrang nakakabigla lang kasi. Paanong hindi ko ito alam? Natutop ko ang aking bibig at malayang bumilis ang tibok ng puso ko without any warning. Anong ibig niyang sabihin?
"Fern, ayokong sabihin sayo ito. " umiling iling siya. "But I really don't have a choice. "
"Ituloy mo, Harrison. " I pleaded.
He stared at me. "Fern, naaksidente si Zach. Nahulog siya habang nakasakay sa isang kabayo sa mismong farm nila. " Hindi ako nagsalita. My hands were freezing. "It was an accident. Hanggang doon lamang ang alam ko. And that was the reason why he can't swim right now. Yung paa niya ang nagkadamage. "
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...