"Class dismissed. "
Muli akong napatingin sa pintuan pero walang Zach akong nakita. Kahit anino man lang niya ay hindi ko nakita. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Kahapon umuwi kaming tahimik sa buong byahe. Wala akong natanggap na text sa kanya o tawag. Hindi ako sanay at ayokong masanay na ganito kaming dalawa.
"Are you okay? " napatingin ako kay Nikki at bahagyang umiling.
Niligpit ko na ang gamit ko at hinintay na maubos ang mga tao sa room.
"Nakita ko siya kanina. "
Awtomatikong tumigil ang kamay ko sa ere. Mabilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabe ni Nikki. Hinarap ko siya at nakita ko ang lungkot sa mata niya.
"Mukha din siyang namatayan. Parang zombie siya habang naglalakad. Muntik pa nga niyang sigawan yung freshman dahil nabunggo siya nito. " nanlaki ang mata ko sa sinabe niya. "Okay lang ba talaga kayong dalawa? "
"Nikki, Sa tingin mo ba dapat na akong tumigil sa pagtatrabaho ko? "
"I see.. " ngumiti siya sakin. "Kung ako nga siguro si Zach, mag-aalala ako sayo. Malay mo nga naman may mangyari na lang sayong masama. Pero dahil alam ko naman ang kondisyon mo, pag-isipan mo munang mabuti Fern. Maraming gustong tumulong sayo. Bakit hindi mo na lang tanggapin yung offer nina mama? "
"Nahihiya ako sa pamilya mo. "
"Lumaki na tayong magkasama, Fern. " ngumiti siya sakin. "Para ka nang parte ng pamilya namin. "
"Hayaan mo. Pagiisipan ko. " ngumiti ako sa kanya at agad naman siyang nagpaalam dahil may gagawin pa daw siya.
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay umalis na rin ako sa silid na iyon. May malaking offer sa akin ang magulang ni Nikki. Gusto nila akong pag-aralin dahil napalapit na rin ako sa kanila. Kailangan ko lamang bantayan si Nikki. Sobrang protective ni tito kay Nikki kaya ganoon na lamang ang pagkagusto nito na pag-aralin ako.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa library ngayon. Meron pa akong isang oras para tumambay sa library at kasunod noon ay ang last na klase ko.
Nabungaran ko ang kakaunting tao sa loob ng library. Malaki ito at halos nagtataasan ang mga lalagyan ng libro. Nandito na kasi lahat ng kailangan namin kaya dito halos dumideretso ang mga estudyante ng Hellingstar at hindi sa computer shop.
"Fern? "
Napatingin ako kay Harrison na nasa kalapit na table ko lang. Maraming babae ang nakatitig sa kanya at parang gusto na ata siyang sunggaban. Napailing na lamang ako nang bigla siyang tumayo at lumipat sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito? " sabay naming tanong. Parehas tuloy kaming natawa dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao doon.
"May titignan lang ako para sa susunod kong subject." tumango lamang siya. "Ikaw? "
"Hinihintay ka? " Ngumisi siya.
"Umayos ka. "
"Di na mabiro! Haha! " nanlaki ang mata ko nang guluhin niya ang buhok ko bigla. "May hinihintay lang ako. Wag kang mag-alala hindi ikaw! "
"Ewan ko sayo. "
Tinitigan niya ako. "Nagpuyat ka ba? "
Nagiwas ako ng tingin at akmang itatago ko ang aking mukha sa libro nang hawakan niya ang baba ko at iharap sa kanyang mukha. Hindi naging maganda ang sunod na nangyari. Sobrang lapit ng mukha namin na halos ikabigla ko.
"A-anong ginagawa mo?! " utas ko sa kanya.
"Dahil ba sa kanya? " tumaas ang kilay niya.
"Hindi. Atsaka wala ka ng pakealam dun. " marahan kong inalis ang kamay niya sa mukha ko. Naiilang na lumayo ako sa kanya at agad na niligpit ang gamit ko.
BINABASA MO ANG
Almost.
DragosteNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...