Monday ngayon at kasalukuyan akong naglalakad sa maingay na hallway ng Hellingstar. Maraming nakatambay sa mga benches at corridor. Lahat busy na dahil nalalapit na ang isa sa mga largest and hottest fest na ginaganap sa Hellingstar. Ang Rendezvous Fest na tanging isa sa mga pinakakaintay intay ng lahat.
Contest sa mga bands, theatre, fashion show, contest para sa dance, sports at nagkalat ang mga iba't ibang boutique na itatayo ng bawat year. Since malaki ang price ng mananalong store ay tila hindi naging madali sa lahat ang laban.
"Fern! " napatingin ako kay Nikki na ngayon ay tumatakbo papalapit sakin. Muntik pa niya akong madaganan dahil sa mabilis niyang takbo at mukhang masayang masaya ang aura niya ngayon.
"Bakit? "
"Nakapasa ako! Oh god! " tinaas niya ang isang papel. "Nakapasa ako sa theatre at sinisigurado nilang makakasama ako sa gagawing theatre na ipapalabas sa Fest! Hindi talaga ako makapaniwala! " she jumped on me at mahigpit akong yinakap. Feeling ko mawawalan na ako ng leeg.
"Kailan ka nag-audition? " naglalakad na kami ngayon papunta sa first subject namin. Mabuti na lamang at kaklase ko siya.
"Kahapon. " hindi pa rin mawala ang ngiti niya.
"Kaya pala wala ka sa welcome party ni Zach kahapon. Nakakatampo ka. " ngumuso ako pero tinawanan lang niya ako.
"Im sorry. Sa sobrang excited ko hindi ko na naalala. So what happened? "
"What do you think? "
Bumuntong hininga siya. "Okay. As expected. Sinira na naman ni Pearl ang araw mo. "
"Isa na rin iyon. "
"Meron pa? Gosh. Ano bang meron sa pwet mo at napakamalas mo ata. " umiling iling siya.
"Baliw. " Bumuntong hininga ako. "May nakilala lang kasi ako. At Harrison ang pangalan niya. Kilala din daw dito sa school. " Sa tuwing naiisip ko iyong titig sa akin ni Harrison ay awtomatikong nagtataasan ang balahibo ko. "Pero mukha kasing manyakis kahit gwapo. " Napangiwi ako.
Napatingin ako sa tabi ko at napansin kong wala na si Nikki sa tabi ko. Nasa likod ko pa pala. Nagtatakang tinitigan ko ang kanyang mata na amuse na amuse. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Y-you met h-him? T-the.. "
"Ano? Si Harrison? Oo nga. Ano bang--"
Nabigla ako ng takpan niya ang bibig ko at hilahin papunta sa tagong sulok ng corridor. Ang weird nya talaga. Napatingin ako sa bibig niya na hindi mapakali.
"Si Harrison? You met him? Ang swerte mo! " napangiwi ako ng hampasin niya ang braso ko.
"Ang sakit ah! "
Hindi niya pinansin ang reklamo ko, sa halip ay nilabas niya ang kanyang phone at may binuklat buklat doon na folder.
"Here.. " pinakita niya sakin ang isang litrato ni Harrison. Bakit ang gwapo niya dun? Siguro dahil hindi ko naman siya masyadong natitigan pero parang gusto kong maglaway nang muling ipakita sakin ni Nikki ang isa nitong litrato na nakahubad at nakangisi. Parang nagbalik sa aking gunita ang ngising iyon!
"Fern. Si Harrison na nakilala mo ay ang bagong student dito. He studied in Harvard University. Ngayon halos magkagulo ang media sa pag-aagawan sa kanya bilang isang artista. "
A-artista?! Ganun talaga siya kagwapo at kayaman? Harvard University so it means na magkakilala sila ni Zach?
"Ang he came back with Zach. " nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Actually, hindi sila magkaibigan. Sabihin na lang natin na magkaaway sila sa lahat. Sa honors, sa status, sa business at kahit saan pa. Parehas silang kinukuha ng isang sikat na magazine establisher bilang isa sa mga bachelor for the top pages! "
"Hindi ka ba nagbibiro? " bakit hindi sinabi sakin ni Zach kahapon? Ganun na ba talaga kalaki ang awayan nilang dalawa? Nangingilabot ako.
"Malamang hindi! Sumagap pa ako ng Wifi para lang dito no! "
Bigla akong napatingin sa baba ng building. Nakita ko si Zach na nakaupo sa isang bench kasama ang mga kaibigan niya. Nakatitig siya sakin at parang may sinasabi ang mata niya. Nag-iwas ako ng tingin at dumapo naman ang aking mata sa isang lalaki.
It was him. Pinapalibutan siya ng mga babae. Nanlaki ang mata ko ng tumingin siya sa direksyon ko at kumaway pa ito at malanding kindat ang binitiwan nito bago umiwas ng tingin pero may gumuhit na ngisi sa kanyang labi.
Tumalikod ako at hinila papaalis dun si Nikki. Ang bilis. Ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na't nakita ko ang galit na mukha ni Zach nang makita ang ginawa ni Harrison.
BINABASA MO ANG
Almost.
RomanceNo one knows. Nobody needs to know. It was really close. It is almost there pero hindi kami pinagpareho ng tadhana. Written by: Teasethisgirl This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and inci...