~•*•~ All Alone ~•*•~
"Bantayan mo ang batang babaeng iyon." Payo ng matanda sa binatang nasa harap niya. "Ikaw ay magsisilbing guwardiya ng dalagitang iyon."
Tinuro ng matanda ang dalagang naglilinis ng silid aralan. Pinanood nila ang dalaga na naglilinis, na tila ay walang tumutulong dito.
"Bakit tila kailangan pang bantayan ang babaeng yon? Hindi ba't ligtas naman siya sa kanyang lugar?" Takhang ani ng binata, dahil hindi niya maintindihan kung bakit pa niya kailangang maging bantay para sa isang babae.
Napailing ang matanda at inakay ang binata papalapit sa kanya. "Sa mundong ito ang lahat ng bagay at pangyayari ay walang kasiguruhan. Hindi natin alam kung ano ang mga maaaring mangyari pagkatapos ng araw na ito o sa mga susunod pang araw." Bumaling muli ang matanda sa loob ng silid aralan kung saan nandoon ang dalaga at mga kaklase nito.
"Tignan mo ang lalaking 'yon.." patukoy ng matanda doon sa lalaking naglalakad. Lumabas ito ng silid at ang sunod na nangyari ay naging dahilan upang matawa ang binata.
"Ahaha..mukhang matipuno ang lalaking iyon ngunit isa siyang lampa." Tumatawang ani ng binata.
"Mali na pagtawanan mo ang taong nadisgrasya, dahil hindi iyon biro. Isang halimbawa na ang nangyari sa lalaking iyon. Lumabas lamang siya sa silid at hindi niya inaasahang matatalisod siya." Sermon ng matanda.
Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa mukha ng binata nang makitang lumabas ang dalaga upang tulungan ang lalaking natalisod.
Nag-abot ng kamay ang dalaga ngunit tinabig ng lalaki ang kamay nito. Akmang lalapit ang binata upang gantihan ang lalaki ngunit hindi niya nagawang umalis sa kanyang pwesto dahil sa isip niya ay dumapo ang mga salitang..
"Wala naman akong magagawa kahit na lumapit pa 'ko.."
"Inaasahan kong gagawin mo ang trabaho mo ng maayos. Kailangan mong bantayan ang bawat kilos ng dalaga at kung saan man siya magpunta ay dapat nandoon ka. Maliwanag ba?" Maotoridad na ani ng matanda ngunit hindi pa rin makuha ng binata ang dahilan kung para saan ang kanyang gagawin.
"Tinatanggap ko po ang trabahong iniatas niyo ngunit hindi ko maintindihan kung para saan ang lahat ng ito." Muli ay dinungaw din ng binata ang dalaga. Kung tutuusin ay malapit lang sila kung nasaan ang dalaga.
"Maiintindihan mo rin kapag sinimulan mo na ang trabaho mo." Mas lalong hindi naintindihan ng binata ang sinabi ng matanda.
Kahit pa hindi ito maintindihan ng binata at hinayaan na lang niya.
"Araw araw ko po ba siyang babantayan?" Tumango ang matanda bilang sagot.
Nagbuntong hininga ang matanda. "Ikaw ang pinili ko dahil may tiwala ako sayo. At dadating ang araw ay babalik ka sa ating tahanan kasama ang dalaga na yon."
•••*•••
BINABASA MO ANG
All Alone
Genç KurguNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...