Prologue

51 7 2
                                    

Prologue

~•*•~ Click ~•*•~

Naka-dungaw ako sa bintana ng bus kung saan kami nakasakay ni Lola. Mapupudpod na nga siguro ang labi ko dahil kanina ko pa ito kinakagat. Pano kasi ay ilang beses ko nang tinanong si Lola kung saan kami pupunta ngunit wala naman akong nakukuhang sagot maliban sa ngiti niya.

"La, saan po ba kasi tayo pupunta?" Inip na tanong ko. Sumulyap ako kay Lola at tanging ngiti lang ulit ang isinagot niya. Nag-pakawala ako ng malalim na hininga. "La naman eh, kanina mo pa ko nginingitian. Hindi mo ko sinasagot." Humarap ako sa bintana at nag-kunwari na nag-tatampo.

Narinig kong nag-buntong hininga siya kaya ay napa-tingin ako sa kanya ng may ngiti sa mukha. "Sasabihin mo na, La?" Atat na tanong ko.

Muli ay nginitian niya ko. "Hindi, apo." Akala ko sasabihin na niya.

Saan ba kasi dadalhin ni Lola? Hala! Baka naman ipapamigay na niya ko? No, hindi pwede!

~*°*~

"Wooooooow.." ani ko nang mamangha ako sa bahay na nasa harap ko ngayon. "La, ang ganda ng bahay. Kanino po yan?" Kinuha ko yung camera na binigay sakin ni Papa at kinunan ng litrato yung bahay.

"Sa bahay na yan ako nag-tatrabaho, apo." Agad akong napalingon kay Lola.

"Talaga po?!" Excited na tanong ko.

"Apo, wag ka masyadong matuwa masama yan para sayo.." paalala niya.

"Opo, La.." sagot ko at nginitian ko siya pabalik.

Pinindot ni Lola yung doorbell. Habang nag-hihintay na may mag-bukas ng gate ay kumuha ulit ako ng litrato.

Hindi ko talaga maiwasang mamangha. Sa labas pa lang ay maganda na ang bahay, pano pa kaya sa loob.

Noong bata pa ako ay naranasan ko ring tumira sa bahay na ganito kaganda. Pero nang mawala si Papa dahil sa sakit niya sa puso ay kinuha ako ni Lola at dinala niya ako sa probinsya. Parehong magulang ko ay wala na, mas naunang namatay si Mama kaysa kay Papa.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na kawawa ako. At kahit kailan ay hindi ako ulila. Oo, wala na akong mga magulang pero sapat na si Lola para matugunan yung papel ng mga magulang ko.

"Manang!" Lumabas ang isang babae na edad 30 pataas. Lumapit ito kay Lola ay sinalubong ng halik sa pisngi.

Sa pustura at ayos ng babae na 'to ay masasabi kong siya ang may-ari ng bahay at amo ni Lola.

"Manang, ito ba ang apo mo?" Patukoy sakin ng babae. Inakay ako ni Lola palapit sa kanila at pinakilala ako.

"Grace, anak ito ni Albert.." bumaling sa gawi ko Lola. "Apo, siya yung sinasabi ko sayo na kaibigan ng Mama't Papa mo."

Napa-ngiti ako. "Hello po...Ma'am." magiging bati ko.

"Tita Grace na lang Hija." Lumapit siya sakin at yinakap ako. Kinalas niya ang yakap at nginitian ako. "Kamuhka mo si Aryan, manang mana ka sa ganda ng Mama mo."

"Salamat po." Masayang sabi ko.

Nang pumasok na kami sa loob ng bahay ay namangha ulit ako. Maliwanag sa loob gawa ng mga ilaw.

Panay ang pag-kuha ko ng litrato. Nakakatuwa.

Nang marating namin ang living room ay may dalawang lalaki ang naka-upo sa mag-kahiwalay na sofa. Ang isa ay ka-edad ni Tita Grace at yung isa naman ay hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

Tinapat ko ang camera dun sa lalaki. Pinindot ko ang capture button at kasabay non ang pag-lingon nung lalaki. At nakakahiya lang kasi nag-flash yung camera.

~*°*~

"Apo, mag-tatrabaho ka din. Tutulungan mo ako sa lahat ng gawaing bahay. At sasabihin mo sa akin kapag pagod ka na." Tumango ako sa lahat ng sinabi ni Lola.

"Pero La, okay lang naman kahit hindi ako pag-aralin ni Tita Grace..ayokong magkaroon ng utang na loob." Sabi ko. Napag-usapan kasi nila Lola yung about sa pag-aaral. Gusto akong pag-aralin ni Tita, pumayag naman si Lola.

"Apo, masamang tanggihan ang grasya. Mag-pasalamat na lamang tayo at tutulungan ka ni Grace na makapag-aral." Lumapit sakin si Lola at hinawakan ang kamay ko. "Kapag nakapag-aral ka na ay wag mo masyadong papagurin ang sarili mo. Mag-iingat ka parati sa eskwela. Yun lamang ang hihilingin ko sa iyo apo. Hindi kita mababantayan kaya't palagi mong tandaan ang mga payo ko."

Yinakap ko siya. "Syempre naman La, mag-iingat ako."

Narinig kong suminghot si Lola kaya kinalas ko siya sa yakap. "La, wag kang umiyak. Di naman kita iiwan."

Natigilan ako sa linyang binitawan ko. Yung katagang 'di kita iiwan'...ni hindi ko nga alam kung magagawa ko yan.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Ngunit hindi ko iyon pinakita kay Lola. Ayokong mag-alala siya.

Nasasaktan ako...

~•*•~

A/N: anytime po ang ud nito. Besides ginagawa ko 'tong story kasi gusto kong i-try na i-improve yung writing style ko.
Thank you po in advance!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon