Eighth

24 5 0
                                    

Eighth

-*- Tres -*-

["Anak, kamusta ka?"] Tanong ni Mama. I missed her voice.

"I'm fine here, Ma. Kayo ni Papa? Busy ba dyan?" Bumangon ako sa higaan ko at nag-tungo sa living room.

["Madaming kailangang ayusin sa company natin, anak.] Medyo may pag-aalala sa tono niya.

"May problema ba sa kumpanya, Ma?" Alala ring tanong ko.

Narinig kong natawa si Mama sa kabilang linya. ["No, son. I'm just worried kasi maraming nag-invest sa company natin. Baka hindi mabigay ng company ang treatment na gusto ng mga investors. Mahirap silang i-handle because madami sila." Ngayon ay naging jolly na ang tono niya.

She's always like that when it comes to business. Nag-aalala siya sa dami ng investors.

"Ma, pinag-alala mo naman ako. Akala ko kung ano na. But that's nice, marami na tayong partner sa business world." ngumiti ako.

["Tres, are you sure you don't want to go here and stay for good?"] pag-iiba niya ng usapan.

Napa-buntong hininga ko. "I can't leave our house, Ma. Besides, mas komportable ako sa Pilipinas." Lumingon ako sa right side kung nasaan ang kalendaryo. "By the way, kailan kayo uuwi ni Papa."

["Oh great! Buti na-tanong mo, anak. Uhm, maybe sa graduation mo dadating kami ng Papa mo."] Matagal pa pala.

"Ma, bye for now. Papasok na ko. Paki-sabi kay Papa, wag masyadong mag-pagod. Ikaw din, Ma. Kuha?" Napa-ngiti ako.

["Yes, son. Kuhang kuha. I love you, Tres. Take care."] At pinutol ko na ang tawag.

~*°*~

Di ako gumamit ng kotse ngayon. Bale nag-lalakad na ko papunta sa school.

Nasa tawiran na ko nang...

Nakita ko si Riyan sa kabilang street. Nag-lalakad siya mag-isa. At mukha siyang problemado.

May truck na dumaan at nang makalagpas yon ay wala na si Riyan sa kabilang street.

Ang bilis naman niyang mag-lakad. Gusto ko pa naman siyang makasabay.

Nang maka-tawid ako ay mas binilisan ko ang pag-lalakad.

Sana maabutan ko siya.

Hanggang marating ko ang gate ng school ay hindi ko siya naabutan.

Inayos ko na lang ang sarili ko at dumiretso sa klase ko.

"Mr. Dela Rosa, right?" Bungad sakin ng Prof.

"Yes, Prof. Rio." Sagot ko.

Simulan siya sa relos niya at bumaling ulit sakin. "You're late."

Sumulyap din ako sa relos na suot ko. Late nga ako.

"Ngayon ka lang ata na-late sa klase ko, Mr. Dela Rosa?" Nasa tono niya ang pagiging sarkastiko.

"Sorry, Prof." Tamad na sagot ko.

"Alam mo na kung anong gagawin mo. I don't accept late students. See you for tomorrow's class, Mr. Dela Rosa." Tinanguan ko na lang siya at lumabas.

Anong gagawin ko?

Linabas ko ang phone ko at nag-send ng message kay Kiko.

To: Kiko

Anong course ni Riyan?

Kiko: huh? Ah. Sa pagkaka-alam ko ay ABM ang kinuha niya. Why?

Me: none of your business. Thanks anyway.

Nag-tungo ako ikatlong palapag ng building kung saan nandoon ang klase ng mga ABM students.

Sakto namang nag-lalabasan sila sa silid nila. Hindi ko maaninag si Riyan. Hindi ba siya pumasok?

May babaeng dadaan sa harap ko at agad ko siyang nilapitan para mag-tanong.

"Excuse me, Miss. Nakita mo si Riyan?" Medyo nahihiyang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Si Riyan? Wala na siya dito. Magka-kilala kayo di ba? Bakit hindi mo alam?" Hindi ako naka-sagot. Then she excused herself.

Lumipat siya ng course?

Palabas na ko ng school nang marinig ko nanaman yung boses ni Kiko.

"Brad! Hinanap mo nanaman si Riyan? Di ka pa rin talaga nakaka-move on noh? Malay mo kasama niya yung Kuya mo, astig yon kung ganon." Hindi ko na lang siya pinansin.

Hindi ko makuha ang sinasabi niya.

~*•*~

A/N: tell me please T_T anong pong naiisip niyo sa story na 'to? I want to know kung ano yung mga thought na nabubuo sa isip niyo.
Thank you! Goodnight guyseu!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon