Fourteenth

26 6 3
                                    

Fourteenth

-*- Tres -*-

"Tres, goodmorning!" Bati niya sakin at tinanguan ko lang siya.

"May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Nag-laho ang inis na nararamdaman ko.

Bakit ganoon na lang ang epekto niya sakin?

Isang salita niya lang ay nawawala yung bigat sa loob ko.

Ganto ba ang epekto kapag...

Nginitian ko siya saka sumagot. "Wala."

Ngumiti naman siya pabalik.

Napa-buntong hininga na lang ako nang mapagtanto ko na pag-dating talaga sa kanya ay sumusuko agad ako.

Hindi ko kayang patagalin yung inis ko.

Malala na ba ko?

"Tres, namumula yung tainga mo. May sakit ka ba?" Ayan nanaman ang pag-aalala sa mukha niya.

Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa pinapanood ko. "N-naiinitan lang ako."

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumaas ang kilay niya. "Pano ka maiinitan? Naka-tutok naman sayo yung electric fan." Nag-salubong yung kilay niya kaya ay naka-ramdam ako ng hiya. "Linoloko mo ba ko, Tres?" Seryosong tanong niya kaya nagkaroon ako ng dahilan para tawanan siya.

"Anong nakakatawa?" Sabi niya na nagpa-tigil sakin sa pag-tawa.

Ngumiti ako ng bahagya. "Walang nakakatawa. Ang kulit mo lang kasi."

Tinagilid niya ng konti yung ulo niya. "Pano ko magiging makulit? Anong bang ginagawa ko?" Sarkastiko pero malambing niyang sabi.
Kung patuloy siyang magiging ganito sa harap ko ay baka mas lalong ma-gustuhan ko siya.

"Tama na nga, inuuto mo lang naman ako. Sige na at pumasok ka na. Baka ma-late ka pa." Simpleng sabi niya na pinag-takha ko.

Bakit siya? Hindi ba siya papasok?

"Hindi ka papasok?" Tanong ko pabalik at medyo natigilan siya.

"H-huh?" Gulat niyang sabi.

"Thursday ngayon. May pasok ka din di ba?" Paninigurado ko.

"A-ah. Oo." Ngumiti siya ng pilit at umakyat sa kwarto niya.

Yayayain ko sana siyang sumabay sakin kaya lang ay hindi ko na nagawa dahil inunahan na ko ng hiya.

Ngayon pa talaga ko tinamaan ng hiya samantalang nagawa ko siyang yayaing lumabas.

Nang maka-rating ako sa school ay si Kiko agad ang bumungad sakin.

Kumatok siya sa bintana ng kotse ko kaya bumaba agad ako.

"Brad! Na-miss kita!" Tinapik niya ko sa balikat. Tinanguan ko na lang siya.

Panay naman ang lingon ko. Hinahanap ko si Riyan.

"Tres, ano ba? Kanina pa ko nag-sasalita dito tapos lingon ka ng lingon." Napa-tingin ako sa kanya. Nag-sasalita ba siya? Hindi ko naman siya naririnig. "Ano? Para ka namang ewan, pinag-mumukha mo kong tanga dito."

"Sino ba kasing nag-sabi na mag-salita ka dyan? Alam mo namang wala akong pake sa mga sinasabi mo." Natatawang sabi ko.

"Tss. Nakita ko kayo nung isang araw ah, yung Yani?" Ngumisi siya. "Siya na ba?"

Ako naman ngayon ang napa-ngisi. "May Lance na yon. Besides, yung nakita mo nung isang araw--wala lang yon."

Hinila niya yung bag ko kaya ay natigilan ako sa pag-lalakad.

"Panong wala lang? Eh nakita kong may binigay siya sayo." Pinanlakihan niya ko ng mata.

Ni hindi ko na nga alam kung saan napunta yung notebook na yon.

"Ask her. Hindi ko din alam kung ano yon." Palusot ko. Maniniwala naman yang si Kiko.

Gumuhit ang isang malawak na ngiti sa labi niya. At agad na nag-salubong ang kilay ko nang ipatong niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang braso ko.

"Tres. Wag ka na mahiya. Aminin mo na. Si Yani na ba?" Naka-ngiting aniya.

Ngumiti na lang din ako dahil natatawa ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit niyang may something.

Hahayaan ko na lang siyang mag-isip ng kung ano.

Mahirap pa namang magpa-liwanag sa taong pinaniniwalaan ang lahat ng nakikita niya sa paligid niya.

Kung anong makita ni Kiko,yun na yon. Ipipilit niya pa yung gusto niya.

Insane.

~*•*~

A/N: kinikilig ako kay Kiko pati Tres haha bromace na dis! Hello sa inyo!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon