Note

19 4 2
                                    

Wahhh! So ayun, natapos ko na siya. Ang saya sa feeling kasi ito yung unang story na nakumpleto ko sa buong buhay ko.

Alam ko naman na hindi 'to kasing ganda ng mga stories ng mga famous authors pero binigay ko yung best ko para lang mabuo yung idea ko about sa story.

Minsan nga tinamad pa kong tapusin kasi nada-down ako, kasi nga hindi naman ako kasing galing ng mga famous authors pero tinuloy ko pa rin kasi naisip ko na kaya nga ako gumawa ng wattpad account para dito ko isusulat yung mga story na naiisip ko and nagsusulat ako ng story para sa sarili ko.

Tama naman diba?

Kasi para sakin dapat sa sarili mo ma-appreciate mo yung gawa mo kasi kung hindi, edi hindi rin ma-a-appreciate ng ibang tao yung gawa mo.

Nag-sisimula yan sa sarili natin.

Kung wala tiwala sa gawa mo, parang sinayang mo lang yung nasimulan mo kung hindi mo tatapusin.

Oo mahirap gumawa ng story lalo kapag gusto mong maging unique yung plot mo.

Pero hindi naman sa lahat ng oras kailangang kakaiba yung gawa mo.

Ang importante kasi dyan ay nasulat mo yung idea mo o yung mga bagay na gusto mong mangyari sa story mo.

So ayun nga haha feeling author na talaga ko dahil lang sa note na 'to XD

Gusto kong mag-thank you kay purpleprose14. Siya kasi yung nag-advice sakin about sa pag-gawa ng story. Saka isa siya sa mga ginawa kong inspirasyon para mas ganahan akong gumawa ng story. Mabait po siya, promise!

So, thank you ulit.

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon