Forty-Second
-*- Tres -*-
Nandito na ulit ako sa harap niya.
Kasama ko na sila Yani. Halos tatlumpung minuto na rin silang naka-yuko.
Why? Akala ba nila galit ako?
Hindi ko din alam.
"Kailan mo pa alam, Dizon?" Kaswal na tanong ko.
Kapag ganitong seryoso ako ay hindi ko tinatawag sa pangalan ang kahit na sino.
Na-alala ko yung mga sinabi niya.
Alam naman nating hindi maganda yung nangyari sa kaniya but Tres, kailangan mong mag-move on.
So, sa simula pa lang alam na niya.
Bakit ako? Bakit hindi ko alam?
"W-wag ka naman seryoso dyan, Tres. Natatakot ako sayo, brad." Ngumiti siya ng pilit at hindi rin siya maka-tingin ng diretso sakin.
Nag-buntong hininga ko.
Hindi na siya nasanay, samantalang lagi naman akong ganito kapag seryoso ako.
"Nalaman ko lang na hindi mo alam na wala na siya nung kinausap na ko ni Yani." Umayos siya ng tayo.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nila sinabi sakin.
"Then bakit hindi niyo ko sinabihan?" Naramdaman ko na ang pangingilid ng mga luha ko.
"Nag-mukha akong tanga! Akala ko nandyan siya, tapos ganito pala.."Nakita ko ang pag-ngisi ni Yani. Tinignan niya ko.
"Don't blame us, Tres. And don't you dare blame Riyan. Kung tutuusin, hindi niya din naman ginusto na mag-pakita sayo." Protesta niya. Humakbang siya palapit sakin. "And believe me, lahat ng nangyari ay kagagawan mo rin, Tres.."
Hindi ko siya maintindihan.
Panong ako?
"Kasi, lahat ng nangyari sayo ay gawa mo. Oo, nakikita mo siya. Yung presensya niya nararamdaman mo. At sa maniwala ka't sa hindi, ilusyon lang lahat yon, Tres!" Tumaas na ang boses niya. Sinusubukan din siyang pigilan ni Kiko pero ayaw niyang magpa-awat.
Ilusyon? Siguro nga.
Natawa ko ng bahagya.
"Ibig sabihin, lahat ng yon hindi totoo? Ganun ba, Yani?" Naka-ngiting tanong ko. "Sagutin mo ko!" Bahagya siyang nagulat sa pag-sigaw ko.
"Tres, tama na.." pigil niya sakin.
"Ilusyon?" Hindi ko mapigilang matawa na parang baliw.
Sana nga ilusyon na lang lahat.
Lahat ng mga salitang binitawan niya.
Lahat yon ay hindi totoo.
"Sobrang masaya ko, Tres"
"Pati ba yon, ilusyon lang?" Tanong ko sa kawalan.
"Riyan, sabihin mo..ilusyon lang ba lahat?" Wala sa sariling ani ko.
Kahit na malinaw na nasa harapan ko na ang sagot ay hindi ko pa rin matanggap.
Yung akala ko na may nag-hihintay sakin.Yun pala wala.
Bakit ganito, Riyan?
"Tres, don't. Wag ako, dahil hindi ako yung tipo na mananatili sa tabi mo Maraming iba dyan, Tres. Yung hindi ka iiwan."
"Is this a joke? Riyan, tell me. Umasa ko sayo..sobrang takot yung nararamdaman ko sa t'wing nawawala ka sa paningin ko then what? All this time wala ka naman pala." Hindi ko na ininda ang luhang pumapatak sa mata ko. "Yung nararamdaman ko, Riyan...para lang pala sa wala." Umiling ako. Pagka-tapos ay pinikit ko ang mga mata ko.
Riyan, magpa-kita ka sakin. Papatunayan ko sa kanila na hindi 'to ilusyon.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
"Riyan.." banggit ko sa pangalan niya nang imulat ko ang mata ko.
Wala siya.
"Tres, wake up! Tigilan mo na yan! She's gone, can't you just accept that?" Ani Yani.
Tanggapin? How?
Madaling sabihin para sa kanila kasi sa sarili mismo nila ay natanggap na nila.
Pano ako? Iniisip ko pa lang na wala na siya ay hindi ko na matanggap.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...