Forty-Third
-*- Riyan -*-
Flashback..
"Riyan, apo.." boses ni Lola na halos hindi ko na marinig.
"Riyan, di ka pwedeng umalis ngayon. Remember? Sabay tayong ga-graduate..so wake up now please." Si Yani.
Umiiyak ba siya? Bakit?
Minulat ko ang mata ko at doon ko nakumpirma na umiiyak nga siya...sila.
May isang lalaki sa likod ni Yani. Ngayon ko lang siya nakita.
Sino siya.
"Riyan, gumising na ka please.." umiiyak paring ani Yani.
Gising naman na ko. Hindi niya b---
Natigil ako nang ma-alala ko yung nangyari.
Sinugod ako sa ospital ng atakihin ako sa puso.
Gising naman ako kaya ano pang iniiyak ni Yani?
Aabutin ko sana ang kamay niya kaya lang ay tumagos lang ang kamay ko.
Umupo ako at kinawayan ko si Lola pero wala.
Ano 'to?
Napa-tingin ako dun sa lalaki.
"Sino ka?" Tanong ko.
Nginitian niya ko at lumapit ng bahagya.
Nag-lahad siya ng kamay na para bang ina-aya niya kong sumama sa kaniya.
Hindi ko yon pinansin. Sino ba kasi siya?
Binaba niya ang kamay niya nang hindi inaalis ang tingin sakin.
Sinubukan ko din tawagin si Lola pati si Yani pero mukhang hindi nila ko naririnig.
Umalis ako sa hospital bed at pinag-masdan ang paligid.
Yung katawan ko..naiwan.
Bumaling ako sa kamay ko nang bahagya itong lumiwanag.
Naka-sulat sa palad ko ang pangalan ko at ang isang petsa.
Liningon ko yung lalaki at naka-ngiti lang siya sakin.
"Ano 'to?" Pinakita ko pa sa kaniya yung palad ko.
Nag-lahad ulit siya ng kamay at doon ko lang napansin na naka-sulat din doon ang pangalan ko at yung petsa na kagaya ng akin.
"Sinusundo na kita. Kailangan na natin umalis." Aniya na naka-lahad pa rin ang kamay.
Naramdaman ko ang pag-patak ng luha ko.
Hindi pwede. Nangako ako na hindi ko iiwan si Lola.
Napunta ang atensyon ko sa mga nurse na pumasok.
"Kailangan na pong alisin ang pasyente dito." Ani nung isa. At agad din silang kumilos para ilabas ang katawan ko.
"Apo ko.." ani Lola.
Akmang lalapit ako kung nasaan si Lola kaya lang ay pinigilan ako nung lalaki.
"Walang saysay kahit na lumapit ka pa sa kanila." Aniya.
Dumating sila Tita Grace na umiiyak din. Sinundo nila si Lola.
"Let's go, Riyan." Aniya ng naka-ngiti pa rin.
Kilala niya ko?
Ilang segundo kong tinitigan ang palad ko bago ko inabot ang kamay niya. At isang malawak na ngiti ang kumawala sa labi niya.
Dinala niya ko sa sementeryo.
"San mo ba ko dadalhin?" Tanong ko.
"Kyle." Aniya na ipinag-takha ko. "Ako si Kyle."
Pamilyar yung ngiti niya. Saan ko siya nakita?
"Hindi ko hinihingi ang pangalan mo. Ang gusto kong malaman ay kung saan mo ko dadalhin." Ani ko.
Huminto siya sa pag-lalakad at humarap sakin.
"Uuwi na tayo." Masayang aniya.
Nang banggitin niya yon ay may kung anong humihila sakin papunta kung saan.
"U..uwi?" Sabi ko.
Tamango lang siya at nag-lakad na ulit.
At sa hindi ko malamang dahilan ay narinig ko ang boses niya.
"Oh? Wala pa siya?" Boses ni Tres.
Hinahanap niya ko.
"Kyle, hindi ko pa kayang umalis."
Hindi ko hinintay ang sasabihin niya at iniwan ko siya.Kailangan kong balikan si Tres.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...