Thirteenth

29 6 0
                                    

Thirteenth

-*- Riyan -*-

"I like you, maybe. But I think, hindi lang yon basta gusto."

Nang banggitin niya yon ay nakaramdam ako ng kirot.

Siguro nga ay mali talaga na pumayag akong sumama sa kanya.

Naka-talikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita yung emosyon niya. At wala akong balak na tignan, dahil nararamdaman ko siya.

"Tres, don't. Wag ako, dahil hindi ako yung tipo na mananatili sa tabi mo." Nagpa-kawala ako ng hininga. "Maraming iba dyan, Tres. Yung hindi ka iiwan."

Yun na lang ang naging sagot ko sa kanya.

Wala na siyang ibang sinabi at wala ring nabago sa pakiki-sama niya.

Gaya ngayon ay sabay kaming kumakain.

Malapit na ang graduation. Malapit na rin akong umalis. Kapag dumating na sila Tita Grace, dun na ko sasama kay Kyle.

Hindi ko pa nasasabi yon kay Kyle. Totoo yung sinabi niya na dadating yung araw na siya na ang pipiliin ko. At yung araw na yon ay yung mismong pag-dating nila Tita.

Ilang buwan na lang. Apat na buwan na lang.

Pinipilit kong lumayo kay Tres pero hindi ko magawa. Nasasaktan lang ako sa t'wing ginagawa ko yon.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko.

Maagang umalis si Tres. Lunes ngayon.

Balak kong puntahan si Kyle. Sasabihin ko na sa kanya yung tungkol sa pag-sama ko sa kanya.

~*°*~

-*- Tres -*-

Nag-lalakad ako patungo sa kotse ko nang nag tumawag sa pangalan ko.

"Tres!" Si Yani. Siya yung babaeng ABM student.

May inabot siya sakin na parang notebook na malaki. Kulay blue ang cover at naka-ribbon yon na pula.

"Para sayo yan." nginitian niya ko. "Sorry, ngayon ko lang nabigay sayo."

Kumunot ang noo dahil sa pag-tatakha.

Ano 'to? Regalo?

"Para san 'to?" Tinaas ko ng bahagya yung malaking notebook.

"Yani! Tara na! Uuwi na tayo!" Tawag sa kanya nung lalaking humila rin sa kanya nung nakaraan.

"Sige, Tres. Alis na ko." Paalam niya saka umalis kasama yung lalaki.

Tinitigan ko saglit yung binigay ni Yani. Nag-kibit balikat na lang ako at sumakay na sa kotse ko.

Hinagis ko yung malaking notebook sa backseat

Habang nag-mamaneho ay hindi ko maiwasang mapa-lingon doon sa notebook na yon.

Bakit naman ako bibigyan ni Yani ng ganyan?

Binalik ko na lang ang tingin sa daan. Nang malapit na ko sa entrance ng village ay nahagip ng mata ko si Riyan sa kabilang eskinita.

Naka-tingin ako sa kanya habang nag-lalakad siya papunta kung saan. May dumaan na kotse at gaya ng dati ay wala na siya doon.

Bumaba ako sa kotse ko para tignan kung nasaan siya. Pero wala hindi ko na siya nakita.

Saan naman siya papunta? May kinikita ba siya? Kaya ba sinabi niyang 'wag siya'? Kasi may iba siya?

Naka-ramdam ako ng inis. Wala ako sa lugar para maramdaman 'to pero ito yung nararamdaman ko kaya wala akong magagawa.

Nang marating ko yung bahay ay bumaba agad ako sa kotse at padabog kong sinara ang pinto.

Kinuha ko yung binigay ni Yani at pumasok na sa bahay.

Dumiretso ko sa kwarto ko at basta ko na lang hinagis kung saan yung notebook.

Nag-bihis ako ng pantulog at humilata sa kama ko.

"Finally, I'm back baby.." bulong ko as higaan ko at pumikit na.

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon