Seventh

26 6 0
                                    

Seventh

-*- Tres -*-

Sabado. Maaga pa lang ay nag-simula na kong mag-jog sa loob ng campus.
Lagi ko 'tong ginagawa kapag walang pasok. Minsan ay kasama ko si Kiko. Pero ngayon hindi ko siya kasama kasi every weekends ay may practice sila ng basket.

May mga estudyante na bumabati kapag nadadaanan ko. Tumatango na lang ako bilang sagot.

"Tres!" Tawag niya at kahit malayo siya ay ramdam kong tumatawa siya. Sino pa ba? Si Kiko lang naman yung tumatawa ng walang dahilan. "Brad! Sandali!" Ramdam kong malapit na siya.

Diretso lang ang tingin ko at kahit isang lingon ay hindi ko ginawa. Serves him right for saying those...

"Brad!" Ngayon ay kasabay ko na siyang tumatakbo.
"Na-miss kita, Tres." Medyo malakas niyang sabi.

Nanatili akong naka-tingin sa daan. "Well, I don't." Malamig kong sabi.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong umarte siya. Kadiri.

"Ano ba kasing ginawa ko sayo at hindi ka kumikibo?" Hindi pa rin ako kumikibo. "Ano, Brad? Bingi ka na ngayon? O Baka naman bulag ka at hindi mo ko nakikita?"

May na-alala ko bigla. Halos ganyan yung sinabi ko nung unang beses na hindi ako pinansin ni Riyan. At dahil sa thought na yon ay napa-ngiti ako nang wala sa oras.

"Oy! Hala! Ngumiti ka, Brad!" Ani Kiko at umakbay sakin dahilan para matigil ako sa pag-takbo. "So...okay na? Napa-ngiti na kita, Brad! Ayos!" Pagka-tapos niyang sabihin lahat ng yon ay tumawa nanaman siya.

Ano ba talaga siya? May lagi ba yang gago o takas sa mental? Tawa nang tawa parang tanga.

"So, ano bang ginawa ko sayo?" Takhang tanong niya.

Nginitian ko na lang siya. "Wala, brad. Praning ka lang." Natawa na lang ako at tumakbo na ulit.

Ako nga ata yung praning.

Nang maka-uwi ako ay wala si Riyan.

Saan naman siya pupunta nang ganitong araw?

Ano pa nga bang aasahan ko? Palagi naman siyang wala sa t'wing uuwi ako. Wala ng bago don.

Pero may parte sakin na umaasang sa t'wing uuwi ako ay sana lagi siyang nandito.

~*°*~

-*- Riyan -*-

Nang maka-alis si Tres ay nag-tungo ako sa lugar kung saan kami nag-kikita ni Kyle.

Ilang oras na din akong nag-hihintay.

Na-kokonsensya ko. Galit pa rin siguro si Kyle. Hindi ko mapigilang malungkot.

Naiintindihan ko si Kyle, nakukuha ko ang punto niya. Pero ang hirap, hindi ko kayang pumili.

Alam ko..alam kong ako yung mali, pero wala akong magawa kundi gawin 'tong mali na 'to.

Napa-buntong hininga ko dala ng lungkot.

Nilibot ko ang tingin ko. May iilang tao ang nandito. Kaya kong basahin yung mga emosyong tinatago nila.

Ang iba sa kanila ay masaya, malungkot, galit at ang ayoko sa lahat. Nag-papanggap.

Isa ba ko don?

Nasaan ka ba, Kyle? Kailangan kitang maka-usap.
Nag-hintay pa ko ng ilang oras. Pero hindi siya dumating. Gusto ko pa sanang mag-tagal dito pero na-alala ko si Tres.

Hindi ako mag-sasawang hintayin ka, Kyle. But for now, I need to go home. Hinihintay ako ni Tres.

Kahit na ayoko pa talagang umalis ay pinilit ko na lang. Babalik na lang ako at sana ay kausapin na niya ko.

Nang dumating ako sa bahay ay bukas na ang mga ilaw.

Kanina pa siya siguro dumating.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay. Pa-tungo ako sa kwarto ko. Madadaanan ko ang kwarto ni Tres kaya ay naisip kong silipin siya.

Naka-awang ang pinto kaya ay madali ko iyong nabuksan ng. Sinilip ko lang siya at hindi na pumasok sa loob.

Tulog siya. Iniwan kong naka-awang ang pinto at tumalikod doon.

Tres, pano kita iiwan nang hindi ka masasaktan?

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon