Eighteenth
-*- Tres -*-
Halos lahat ng tao sa loob ng klase ay busy sa pag-hahanap ng makaka-date para sa ball.
Unang subject pa lang sa oras na 'to. Wala pa si Prof kaya sinusulit nila.
Si Kiko din ay abala sa pag-landi. Kung sino-sinong babae na ang yinaya niya ngunit walang tumatanggap sa alok niya. Halos lahat ata ay nayaya na niya maliban kay...
"Yani!" Tawag ni Kiko kay Yani na kakapasok lang sa room. At sa isang tabi ay nakita ko ang reaksyon ni Lance na kagaya nung isang araw.
Ngumiti si Yani kay Kiko at dahil doon ay nag-salubong ang kilay ni Lance.
"May date ka na ba para sa ball?" Direktang tanong ni Kiko.
Ngumisi si Yani at pasimpleng natawa. "Wala pa, but.."
Is she playing games? Pinag-seselos niya ba si Lance? Well, its working.
"Yun naman pala! Pwede bang ikaw na lang ang date ko?" Excited na tanong niya pa.
Hindi ko alam kung trip lang yan ni Kiko o sadyang hindi niya alam na may Lance na yang si Yani. O sadyang tanga talaga yang si Kiko at hindi nakaka-ramdam na may taong gustong gusto na siyang sapakin ngayon.
Narinig ko ang iba't ibang reaksyon ng mga tao sa loob ng room nang pumayag si Yani sa alok ni Kiko.
At tanging reaksyon lang ni Lance ang ikinatuwa ko.
Mula sa pagkaka-upo niya ay tumayo siya at halatang inis na inis na siya. Napa-tingin ang lahat dahil sa kanya, kahit sila Kiko.
"Sorry, Mr. Dizon. She's my date." Mahinahon pero may halong inis sa tono ni Lance.
Bumaling si Kiko kay Yani nang naka-nguso. "May date ka na pala, sige mag-hahana--" akmang tatalikod na si Kiko kaya lang ay pinigilan siya ni Yani.
"He's not my date, besides ang totoo niyan ay ikaw pa lang ang nag-yayaya sakin para maging date sa ball." naka-ngiting ani Yani.
Napa-'oww' naman ang karamihan dahil sa sinabi niya.
Natutuwa ako sa eksena nila. Para silang mga langgam, ang sarap nilang tirisin dahil sa sobrang nakakatuwa sila.
"What?! Hindi kita yinaya dahil understood na yon na date kita, Yani." Medyo malakas na sabi ni Lance.
Lq? Tsk! Sakit sa ulo.
"Importante pa rin sa babae na yayain sila ng lalaki para maging date. And with that, mas naunang mag-yaya si Mr. Dizon. He's my date." Naka-ngising sabi ni Yani.
"Ah, s-si Lance na lan--" hindi pinatapos ni Yani ang sasabihin ni Kiko.
"It's fine. His mistake, not yours." Pagka-tapos sabihin yon ni Yani ay nag-tungo na siya sa pwesto niya.
At ang iba naman ay nagsi-upo na rin dahil dumating na rin si Prof.
Si Riyan kaya? Pano ko siya yayayain?
Tsk! What the?! Bakit ko siya yayayain? I'm not going anyway.
But I think..I want to go. With her as my date.
~*°*~
Nauna kami ni Kiko sa Office. Yung ibang officers ay may ginagawa pa. Si Yani at Lance ay ang pinaka-busy sa aming lahat. Si Kiko naman ay walang practice ng basket kaya nakakapag-participate siya. At ako? Wala lang.
"Ikaw, Brad? Sinong date mo?" Ngumiti nanaman siya ng nakakaloko at ginalaw niya ng kilay niya ng pataas-baba. "Alam kong pupunta ka, since last year na natin 'to as students. So, sinong yayayain mo?"
Ngumisi rin ako pabalik Saks sinubsob ang ulo sa mesa. "No one?"
"Tsk! Brad, alam ko namang ayaw mo lang ipaalam sakin. Aabangan ko na lang, basta pumunta ka." Tinapik niya ko sa braso.
Mas excited pa siya sakin.
Should I ask her? Yes? No? What?
Napa-sabunot na lang ako sa buhok ko. Wala akong pake kung makita yon ni Kiko.
Why does it feel like I'm pressured? And stressed? Even depressed?
OA ba? Well, yan yung nararamdaman ko ngayon.
Wag na lang kaya ako pumunta?
Inangat ko ang ulo ko at sumubsob ulit sa mesa. Baliw.
Pano na 'to? Ni hindi ko nga alam kung pupunta si Riyan.
~*•*~
A/N: pasensya baliw na po si Tres haha
BINABASA MO ANG
All Alone
Novela JuvenilNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...