Seventeenth

20 4 1
                                    

Seventeenth

-*- Tres -*-

Ngayon ay nandito kami ni Kiko sa office ng mga School Officers.

Medyo marami kami dito pero hindi ko naman sila kilalang lahat.

"Good afternoon officers!" Masayang bati samin ni Yani.

She's the President. At yung lalaking lagi niyang kasama ay yung Vice President. Si Lance.

"Good afternoon, Yani.." bati ni Kiko pabalik ng may nakaka-lokong ngiti sa mukha. "Di ka nag-sasabi may regalo ka pala kay Tres. Sabihin niyo na samin, may something ba?"

Halos mapa-mura ko dahil sa sinabi niyang si Kiko.

Akala ko ba tapos na kami sa usapan na yan? Tsk! Tanga talaga. Ang hirap talaga mabuhay lalo na kapag may tanga na malapit sayo. Haha.

Nakita kong kumunot ang noo ni Lance at ang pag-ngisi ni Yani nang palihim. Naka-harap si Yani sa gawi namin ni Kiko at nasa likod niya si Lance.

"Regalo?" Kumunot din ang noo ni Yani at alam kong nag-kukunwari siya. "Yun ba yung binigay ko kay Tres nung nakaraan?"

Tumango si Kiko at ngumiti ng malawak. At dahil don ay nakita ko na naka-yukom na ang kamao ni Lance.

"Kayo ah." Pangangasar pa ni Kiko pero hindi na-aapektuhan si Yani at ako? Naiinis na natutuwa.

Naiinis ako kasi walang kwenta yung nga sinasabi ni Kiko at natutuwa naman ako dahil nakikita kong may nag-seselos.

"Binigay ko kay Tres yon kasi para naman talaga sa kanya yon. And--" pare-pareho kaming nagulat nang mag-salita si Lance.

"Yani, labas!" Malakas na sabi ni Lance na kakalabas lang sa office.

Nice one, Kiko. Tignan mo kung anong ginawa mo.

Sumunod si Yani palabas at talagang naka-ngiti pa siya.

Binato ko kay Kiko ang naka-bilog na papel na ginawa ko.

"I already told you, there is nothing between the two of us. Ikaw lang naman nag-iisip niyan." Naka-ngising sabi ko.

Mabilis na nag-laho ang ngiti sa mukha ni Kiko dahil sa sinabi ko.

"Walangya! Di mo sinabing seryoso ka sa mga sinabi mo? Akala ko tinatanggi mo lang." Iritadong aniya. Tumayo siya at sumunod sa labas.

Tsk! Kailan ba ko nag-biro?

Ilang minuto ang lumipas at bumalik si Yani kasama si Lance. Hila-hila ni Yani sa manggas ng uniform si Lance na naka-busangot ang mukha. Kasunod nila si Kiko na naka-busangot din.

Bumalik siya sa pwesto niya kanina.

"What happened?" Naka-ngising tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "N-nakakahiya, Brad. Kung ano anong sinabi tapos may boyfriend pala yang si Yani." Pa-bulong niyang sagot at ginulo ang buhok niya.

Pumalakpak si Yani ng tatlong beses kaya ay napunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

Naka-ngiti pa rin siya. "So..since this is the first day of December, I would like you all to be active whenever your help is needed. I require you, guys. Kasi kung hindi ay walang mangyayari sa mga event na ginawa natin." Tumingin siya sa gawi ko at alam kong pinapatamaan niya kami ni Kiko sa mga sinabi niya.

Tumango ako at nginitian ko siya bilang sagot.

"Don't worry, after this month--malaya na tayo dahil hindi na tayo masyadong mag-oorganize. Stress no more. At tanging graduation na lang ang iisipin natin. Yan ay kung ga-graduate kayo." Dagdag pa ni Yani na dahilan para matawa ang lahat ng nasa office, even si Lance ay natawa.

"So, good luck satin. I hope na maging successful ang month na'to since ito na ang huling buwan para sa taon na ito." Mas lumawak ang ngiti ni Yani nang bumaling siya kay Kiko. "Any last words, Mr. Bise Predidente before I speak to Mr. Dizon." sarkastikong sabi niya.

Anong pag-uusapan nila ni Kiko?

And this time, I can feel that there is something between these two people.

"Good luck." Mariing ani Lance at gaya ng ibang officers ay lumabas na rin siya.

"Tres, una ka na. May pag-uusapan lang kami." Medyo nahihiyang sabi ni Kiko.

Ngumisi ako at hindi na umangal. Hindi na rin ako nag-paalam at diretso kong umalis doon.

I wonder what's with them.

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon