Thirty-Fifth

10 3 1
                                    

Thirty-Fifth

-*- Riyan -*-

Dalawang araw na ding dito natutulog sila Yani.

Thursday ngayon, wala pa sila kasi may practice si Kiko. At malamang ay sabay sabay na silang pupunta dito.

Hindi ko pinuntahan si Kyle ngayon. Gusto ko munang mag-isip.

Kahit na marami akong tanong kay Kyle ay pina-lagpas ko muna. Iniisip ko lahat ng pwedeng maging sagot sa lahat ng tanong ko.

Iniisip ko kung ano yung mga posibleng sagot na makukuha ko.

Nandito ko sa Kitchen. Madalas akong nandito. Magaan kasi pakiramdam ko kapag nandito ako sa kitchen.

Naalala ko yung unang beses na binanggit niya yung pangalan ko. Dun ako nag-simulang makaramdam ng kakaiba. Hindi ko alam pero natakot ako nung una.

Napa-ngiti ako. At kapag na-aalala ko yung umuwi siyang basa ng ulan dahil sa pag-hahanap sakin, nako-konsensya ko.

Nang maka-rinig ako ng ingay sa labas.

Sumilip ako sa bintana ay nakita ko ang isang puting kotse at bumaba don si Yani.

Pumasok siya sa main gate at ako nag-madaling nag-tungo sa kwarto ko.

Rinig ko yung pag-lapat ng sapatos niya sa hagdan. Pati ang boses niya na parang may kausap.

Mas nilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko yung sinasabi niya.

"Tres, nandito na ko sa bahay niyo. So where's you laptop?" Kalmado yung boses niya. Ang hinhin mg boses niya. Kung pwede lang ulit ulitin yung boses niya ay gagawin ko.

Si Tres yung kausap niya? Kailan pa sila naging close?

Napa-ngiti ako ng bahagya.
Hindi ko akalaing kakayanin ni Yani na paki-samahan si Tres, ayaw pa naman ni Yani sa maloko at magulong tao. Pero naka-survive siya kay Tres.

Si Kiko kaya? Kamusta na kaya ang isang yon? Matutuwa ako kung magiging close sila ni Yani kung sakali.

Kamusta na kaya si Yani kay Lance? Sana naman okay sila.

"By the way, saan yung kwarto mo? Black door or green? Which one?" Narinig ko pa ang pag-tawa niya.

"So, favorite mo yung green?" Tumawa ulit siya. "Okay, uulitin ko. Sa pangalawang drawer na color white then ayun na. Fine, hihintayin ko na lang kayo. Bye."

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto sa kabilang kwarto.

Napa-buntong hininga ko.

Sumara na ulit yung pinto sa kabilang kwarto. Lumabas na siguro siya.

Malakas yung tunog mg yapak niya at mukhang papalapit siya sa kwarto ko.

Napalayo ako sa pinto at naka-ramdam ako ng takot.

Hindi niya ko pwedeng makita.

Bumagal ang pag-hinga ko.

"Riyan.." aniya mula sa labas.

Mas lalong na-dagdagan ang kaba ko.

"Alam kong nandito ka. Can you please.." narinig ko ang buntong hininga niya.
"..let go of him, Riyan. Ipapaliwanag ko sa kaniya lahat pagka-tapos kong sabihin sa kaniya yung totoo. So please.."

Hindi ko namalayang nag-simula na pa lang tumulo ang luha sa mata ko.

Tuluyan akong lumayo sa pinto at hindi ko na pinansin ang presensya niya sa labas ng kwarto ko.

Pati ba naman ikaw, Yani?

Konting oras na lang naman yung natitira, hayaan niyo muna ko.

~*•*~

A/N: sakit sa puso xd haha

Thank you very much sa inyo!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon