Forty-First
-*- Tres -*-
"Pasensya ka na Hijo, ako ang nag-sabi kay Grace na huwag ng ipaalam sayo.." ani Manang habang naka-tingin sa puntod niya.
Dumating bigla si Manang, sinadya niyang mag-punta dahil alam niya na ngayon ang araw ng graduation.
Bungad pa nga niya kanina ay imbis na sa school siya pupunta para sa graduation ay sa sementeryo siya nag-tungo.
Hindi ko ma-tanggap na nasa harap ako ng puntod niya.
Pumikit ako ng marahan.
Hindi ko kaya.
Na-aalala ko yung unang beses na makita ko ang emosyon sa mata niya. Takot siya.
At lahat ng mga sinabi ni Kiko.
"Bakit hindi niyo po sinabi sakin?" takhang tanong ko.
"Akala ko ay hindi naman siya ganoon kalapit sayo kaya ay hindi na ko nag-abala na ipaalam pa sa iyo at hindi ko din inakala na mangyayari sayo ang mga bagay na yon." hindi ko alam kung bakit ako na-apektuhan nang banggitin niya ang mga yon.
Hindi na ko makapag-salita. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong sabihin.
Pinag-masdan ko si Manang. Nakaka-tuwa lang na nagagawa niyang ngumiti sa lagay na ganito.
"Hijo, alam mo ba kung anong sinabi ng apo ko?" tumingin siya sa gawi ko at nginitian ako.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Sinabi niyang "La, ayoko pang umalis. Mamahalin ko pa si Tres", sayang nga lang dahil hindi niya kinaya." sa mga sinabi ni Manang nag-simula nanamang pumatak ang mga luha sa mata ko.
"Mahal ka ng apo ko, yun nga lang ay wala na siya. Marami siyang gustong gawin kasama ka. Sinubukan niyang lumaban pero.." nag-simula na din ang pag-patak ng luha niya. "Tama na siguro, Hijo. Nalulungkot lang ako sa t'wing na-aalala ko ang nangyari sa apo ko. Kung may gusto ka pang itanong ay kay Yani ka na lang lumapit, siya kasi ang matalik na kaibigan ng apo ko."
Si Yani?
"Alam kong pupunta ang dalagang iyon para dalawin ang apo ko." ngumiti siya ulit at bumaling sa puntod ni Riyan. "Alam kong mahirap tanggapin, pero sana ay magawa mo."
Hindi ko nga alam kung saan ko sisimulang tanggapin. Hindi madali.
Panong naging ganito?
Umasa ko sa wala. Nakaka-tawa.
Sa lahat ng araw na dumaan akala ko may kasama ko.
"Kailangan ko ng umalis, Hijo." paalam niya.
Hinatid ko siya sa labas kung saan nag-hihintay si Mang Rolly.
Sinabihan ko na din si Manang na sa bahay na lang siya tumira. At sinabihan ko na din siya na hindi na niya kailangang mag-trabaho, pamilya na din naman siya para sakin.
Pumayag din naman sila Mama na sa bahay na tumira si Manang, since wala na siyang kasama sa probinsya.
"Tres, Hijo. Mag-kita na lang tayo bahay." Aniya at ngumiti. "Hindi kita pipiliting kalimutan ang apo ko pero sana ay pakawalan mo din siya dyan sa puso mo, makaka-tulong iyon sa iyo."
Huminga ko ng malalim. Hindi na ko sumagot at isinara ko na lang ang pinto ng kotse.
Kumaway ako mula sa labas bago tuluyang nawala ang kotse sa paningin ko.
Hindi ko alam kung pano ko dumating sa puntong 'to.
Time heals? Let's see.
"Tres." Tawag ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako kung nasaan siya. "Yani." Saad ko. Kasama niya si Kiko.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
أدب المراهقينNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...