Forty-Fourth
-*- Tres -*-
Bumalik ako sa bahay para sana mag-pahinga. Kaya lang ay nang itapak ko ang paa ko sa bukana ng pinto ay na-alala ko yung unang beses na nag-kita kami.
Pumasok si Mama sa loob.
"Son, they're here. Kasama ni Manang yung apo niya, so behave ka." Nginitian niya ko at ngisi na lang ang naging sagot ko.
Lumingon ako para tignan sila.
Kumunot ang noo ko nang ma-realize ko na naka-tutok sakin yung camera niya.
Hindi na ko nakapag-react dahil nag-flash na yung camera.
Tinitigan niya yung camera niya at napa-ngiti siya ng bahagya. At sa hindi ko malamang dahilan ay napa-ngiti rin ako.
Umupo si Manang sa tabi ko at yung apo niya ay katabi naman ni Mama.
Hindi siya maka-tingin sakin. Naka-yuko lang siya sa tabi.
Inaya ni Mama si Manang na sa kusina na sila mag-usap.
"Riyan, apo..dyan ka muna. Mag-uusap lang kami." Paalam sa kaniya ni Manang. Ngumiti siya at tumango ng marahan.
Riyan.
"Tres, be good to her. Don't do such thing, kuha?" Tinaasan ako ng kilay ni Mama kaya ay natawa si Papa.
"Kuhang kuha, Ma." Tamad na sagot ko.
Nang maka-alis sila ay naramdaman kong hindi mapakali 'tong apo ni Manang.
Why? Di naman ako nangangain.
"Hoy! Kung di ka mapakali dyan, umuwi ka na lang." Sabi ko sa apo ni Manang.
Nailang naman ako nang tumingin siya sakin. Napa-lunok ako nang mag-salubong ang kilay niya.
"Hoy! May pangalan ako." Aniya.
I know. Riyan, right? But I don't want to call you that way.
"At sinong pinapa-uwi mo, huh? Alam mo bang mahal yung pamasahe papunta dito? At para sabihin ko sayo ang layo kaya ng probinsya dito tapos papa-uwiin mo ko. Ikaw na lang!" Inismiran niya ko.
Well, may pangalan din ako. And it's Tres.
Hindi na ko naka-sagot dahil lumabas si Papa.
"Tres, ihatid mo si Riyan sa kwarto niya. And tulungan mo siya sa mga gamit niya." Nginitian ako ni Papa at bahagya pa kong tinapik sa balikat.
Tamad akong tumayo at kinuha yung dalawang maleta na bitbit nung apo ni Manang.
Hinatid ko siya sa taas. Katabi ng kwarto yung kwarto niya, which is kwarto ni Kuya dati nung buhay pa siya.
Na-aksidente siya nung pauwi na siya galing sa school. Nakaka-lungkot nga lang kasi hindi ko man lang siya naka-usap ng maayos.
"Hoy, hindi ka pa ba lalabas?" Natauhan ako sa tanong ni Riyan.
Tinalikuran ko na lang siya. At nag-tungo sa kwarto ko.
Kinuha ko yung frame kung saan picture namin ni Kuya yung naka-lagay.
"Kuya, I like her pero hindi yung gustong gusto. I just like her." Nag-buntong hininga ko saka ko tinaob yung frame.
"Nako Tres, ano na lang sasabihin mo kay Kiko kung sakaling malaman niyang may babae ka ng gusto.Tsk!" Naka-ngiting sabi ko sa sarili ko at humilata sa kama ko.
Naramdaman kong may yumakap sakin at dun lang ako bumalik sa katotohanan.
"Tres, are you okay?" Punong puno ng pag-aalala ang mata niya.
I don't know, Ma. At hindi ko alam kung magiging okay ba ko.
Nag-simula nanamang pumatak ang mga luha sa mata ko.
"I'm really sorry, son." Aniya pa at pinunasan ang basa kong pisngi.
Riyan..sabihin mo, ilusyon nga lang ba lahat?
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...