Thirty-Seventh
-*- Riyan -*-
Isang araw na lang ang natitira.
Hindi ko na alam kung saan ako mag-sisimula.
Pero isang sagot lang ang kailangan ko para malaman ang lahat.
Wala ngayon si Tres. Baka nga ay hindi siya uuwi ng maaga ngayon dahil sa event na ginagawa nila para bukas.
Tama. Bukas na. Yun na yung araw kung saan pipiliin ko na ang tama. Ang araw kung saan iiwan ko na si Tres.
Kaka-dating ko lang sa bahay. Nag-tungo ako kanina sa school para silipin si Tres.
Pero hindi ko ina-asahan na hindi lang pala si Yani ang nakaka-alam na nandito pa ko.
Nang umalis si Kyle ay nag-tungo ako malapit sa office kung saan nag-uusap ang mga officers.
Mga ilang minuto lang din ay nagsi-labasan na sila. Nag-tago ako para hindi ako makita ni Tres, siya kasi ang unang lumabas.
Hindi niya kasabay si Kiko?
Nang mawala na si Tres sa paningin ako at ang iba pa niyang kasama ay tinangka kong sumilip sa glass window ng office.
Napa-ngiti ako nang makita ko si Yani don at kasama niya si Kiko.
Aalis na sana ko sa kina-tatayuan ko nang mag-salita si Yani at matik na hindi ako naka-alis sa pwesto ko.
"Nakita ko si Riyan." aniya at hindi na nagulat si Kiko.
Alam niya.
"Saan? Pano? Kailan?" sunod sunod na tanong niya."
"Nung nakaraan. Sa bahay nila Tres. Hindi ko nakita si Riyan pero alam kong nandun siya.." yumuko siya at para bang hindi niya alam kung ano ang gagawin. "Kinausap ko siya."
Base sa obserbasyon ko ay nag-buntong hininga si Kiko. "Then?" inosenteng aniya.
"Nung isang araw, nakita ko siya dito." nag-angat siya ng tingin. "Mukhang ayaw niya pang iwan si Tres." ngumiti siya ng bahagya at tumingin sa gawi ko.
Agad naman akong nag-tago kahit na alam kong nakita niya ko.
"Pano yon?" ani Kiko. "Hindi niya ba alam na agrabyado dito si Tres?" bakas sa tono niya ang awa.
Sa hindi ko malamang dahilan ay ginapang ako ng takot.
Hindi ko na tinapos ang usapan nila. Umalis na ko don at nalinawan na ko.
Ngayon ay nakapag-desisyon na ko. Malaman ko man o hindi ay sasama na ko kay Kyle.
Nasa tapat ako ng kwarto ni Tres. Isang pihit ko lang sa doorknob ay makaka-pasok na ko sa loob.
Hinawakan ko iyon at dahan dahang pinihit.
Sinalubong ako ng dilim. Wala akong maaninag na kahit ano.
Nang itapak ko ang mga paa ko sa loob ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Masyadong nakaka-takot.
Kinapa ko ang switch ng ilaw at nag-tagumpay akong pa-ilawin iyon.
Bahagya akong nasilaw.
Namangha ako dahil maayos ang mga gamit niya. Kahit isang kalat ay hindi ko mapuna.
Nilibot ko ang buong kwarto niya at wala naman akong makitang kakaiba maliban sa isa.
Lumapit ako sa drawer niya at pinag-masdan ang mga nasa ibabaw.
Tumulo ang luha sa mata ko nang marinig ko ang boses ni Kyle sa isip ko.
Nasa kaniya na lahat.
At may nag-iisang frame na naka-taob.
Lakas loob ko yong dinampot at tinignan.
Isang batang lalaking naka-ngiti habang naka-yakap sa isang binata na nagmamaktol.
Ito ba Kyle? Ito na ba yon?
~*•*~
A/N: tbh, hindi ko alam kung pano tatapusin tong story pero sinusubukan ko naman yung best ko haha besides na-aapreciate ko yung gawa ko so ayun no worries naman kasi alam ko naman na once na binigay ko yung best ko, wala na kong po-problemahin haha inspired lang po xd
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...