Ninth
-*- Tres -*-
Maaga kong nagising. Bumaba ako at dumiretso sa Kitchen. Wala don si Riyan. Malamang ay tulog pa siya.
Binuksan ko ang ref at tignan kung anong pwedeng lutuin.
Nag-labas ako ng hotdog at itlog. Nag-simula na kong mag-luto.
Nang matapos ako sa ginagawa ay nag-hain ako ng kanin sa dalawang plato.
Lumabas ako sa Kitchen at siyang baba ni Riyan mula sa taas.
"Riy--" dire-diretso siyang lumabas ng bahay.
Hindi niya ba ko nakita? Umiiwas nanaman ba siya?
Bumalik na lang ako sa Kitchen at kinain lahat ng hinain ko.
Tamad akong kumilos at ginamit ko na ulit yung kotse ko pag-pasok.
"Brad! Lungkot ng mukha natin ah." Kinukulit nanaman ako niyang si Kiko.
"Mukha mo kasi yung una kong nakita." Siniko ko siya.
"Aww..that's so sweet, Tres." Akmang yayakapin niya ko pero tumakbo agad ako papunta sa room. Kadiri talaga 'tong isang 'to. Kalalaking tao nang-yayakap.
Agad din namang dumating si Kiko kasabay ni Prof. Rio.
Sa harap ang daan ni Prof. at sa likod si Kiko.Hingal na hingal siya at Lumapit sa pwesto ko para batukan ako. "Loko ka! Iniwan mo ko!" At pumunta na siya sa pwesto niya sa harapan.
Habang nag-tuturo si Prof. ay hindi mawala sa isip ko si Riyan.
Galit ba siya? Bakit hindi niya man lang ako pinansin kanina? Imposible namang hindi niya ko nakita, halos sa harap ko lang siya dumaan kanina.
~*°*~
Bago ako umuwi ay pumunta pa kami ni Kiko sa Mall. Nagpa-sama siyang bumili ng sapatos.
Di na ko umangal kasi alam kong kapag hindi ako sumama ay pagti-tripan niya ko.
"Ikaw ba, Tres? Wala kang bibilin?" Tanong niya habang sinusukat yung sapatos.
Napa-isip ako. Ano bang pwede kong bilin para kay Riyan? On the other side, na-iisip ko na kung bibili ako ay hindi ko naman alam kung magugustuhan niya.
"Oy! Ano may bibilin ka?" Ngayon ay may hawak na siyang paper bag. Nabili na niya? Ang bilis naman.
"Wala." Binulsa ko yung kamay ko. "Let's go. Gusto ko nang umuwi." Nauna na kong mag-lakad.
"Teka nga. Bakit ba uwing uwi ka na?" Kunot noong tanong niya.
I want to see her.
"Kung ayaw mo pang umuwi, fine. Basta ako uuwi na ko. Bye." Tinalikuran ko na siya at nag-simula nang mag-lakad palayo.
"Sige, brad! Ingat ka! May date pa ko!" sigaw niya. At kahit hindi ko siya nakikita ay nai-imagine kong kumakaway siya.
Nang maka-uwi ako ay wala siya.
Saan ba siya pumupunta?
Lumabas ulit ako ng bahay at nag-ikot sa village.
Akala ko ay makikita ko siya pero hindi. Kahit saan ay wala siya.
Bumalik ako sa bahay at inaasahan kong nandoon na siya pero wala.
May problema kaya?
Sa living room ako dumiretso.
"Dito na lang ako mag-hihintay." Ani ko sa sarili ko.
Hindi ko maintindihan. Bakit ko siya hinihintay?
Tumayo ako at akmang aalis sa pwesto ko pero nagulat ako sa sarili ko nang umupo ako.
"Okay, fine. I'll wait here." Pagka-tapos kong sabihin yon ay nag-buntong hininga ko.
Hindi ako mapakali.
Nasaan na ba kasi siya?
~*•*~
A/N: MIA po si Riyan. Di ko din alam kung saan siya napunta xd. Paki-balik na lang po si Riyan, kawawa po si Tres haha.
Nasan nga ba si Riyan?
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...