Twenty-Fifth

14 2 0
                                    

Twenty-Fifth

-*- Riyan -*-

Pinuntahan ko si Kyle para mag-paalam. Gusto ko kasing silipin ang venue kung saan ma-gaganap ang ball.

Hinintay ko si Kyle kung saan madalas kaming nag-kikita. Ilang oras akong nag-hintay at inabot ng limang oras bago dumating si Kyle.

Nag-paalam ko sa kaniya na sasaglit lang ako sa venue, ngunit hindi niya ako pinayagan.

Nag-away kami nang dahil don.

Ginabi na ako ng uwi dahil nag-palipas pa ko ng oras.

Ang weird lang kasi. Sa lahat na lang ng ginagawa o gagawin ko pa lang ay hindi gusto ni Kyle.

Nang marating ko ang bahay ay patay na ang lahat ng ilaw.

Tulog na siguro si Tres.

Pumasok ako sa living room at naramdaman ko agad ang presensya niya.

Hindi pa siya tulog.

"Bakit ngayon ka lang?" Malamig niyang tanong. Nakaramdam ako ng takot dahil sa tono niya. Ngunit hindi ako nagpa-apekto at tinalikuran ko siya ng bahagya.

"Bakit, Tres? Ano naman sayo kung umuwi ako ng ganitong oras?" Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang nga salitang iyon.

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. "Be my date." Aniya na nag-uutos.

Hindi agad ako nakapag-react.

Huminga ako nang malalim at nag-lakas loob akong sumagot. "Hindi ako pupunta. Kaya ay wag ako ang imbitahin mo." Malamig kong sabi at nag-tungo sa kwarto ko.

~*°*~

Kahit na hindi ako pinayagan ni Kyle ay nag-tungo pa rin ako sa venue ng ball.

Ang ganda ng paligid. Ang mga tao na nandito ay maga-ganda ang kasuotan. Magagara ang pananamit nila.

Nakaka-lungkot lang kasi hindi ko na pwedeng maranasan ang maka-punta sa ganito.

Nakita ko na si Tres kanina at kasama niya sila Kiko. Nako-konsensya ako sa sinabi ko sa kaniya kagabi.

Mukhang hindi nag-eenjoy si Tres sa ball. Sa pagkaka-alam ko ay ayaw niya talaga sa mga ganitong okasyon.

Pero bakit siya pumunta? Akala niya siguro ay pupunta ako?

Ilang saglit lang ay naisipan ko nang umalis. Ayokong makita pa ko ni Tres.

At nag-kamali ako. Nang lumabas ako ng venue ay naramdaman ko ang pag-sunod niya sa akin.

Nang maka-layo ako sa kaniya ay nasa tapat na ako ng tawiran. Hinintay kong huminto ang mga kotse. At napaka-laking pagka-mali iyon dahil naabutan ako ni Tres.

Hindi ko maitago ang kaba na nananalaytay sa sistema ko. At mas lalong na-dagdagan ang kaba na yon nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

Nilingon ko siya at hindi ko naitago ang pagka-gulat nang palapit na siya sa gawi ko.

Nang papalapit na siya ay tumingin ako sa kalsada at balak ko nang tumawid.

Pag-hakbang kong ay siyang pag-galaw ng mga kotse sa kalsada.

Bahala na kung ano man ang makita ni Tres. Kailangan kong makalayo sa kaniya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang mainit niyang katawan, na kasalukuyang nakabalot sakin. Mahigpit ang yakap niya. At ramdam ko ang takot na bumabalot sa kaniya.

Pano? Pano nangyari 'to? Pano niya nagagawa lahat ng 'to?

Naramdaman ko ang luha sa mata ko.

Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako sa katotohanang 'mali ako'. Sa simula pa lang ay mali na ako.

Hindi ko mapigilan ang emosyon sa sistema ko. Panong nakakaramdam ako?

Panong nangyari ang lahat ng 'to?

Tama si Kyle. Habang tumatagal ay nahihirapan akong iwanan si Tres.

At natatakot ako sa katotohanang hindi ko na kayang bitawan si Tres.

Nakaka-lungkot. Pero kahit na ano ang mangyari ay planado na ang lahat. Pati ang pag-alis ko.

~*•*~

A/N: naiyak ako habang nagt-type para sa chapter na 'to. Haha.

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon