Fortieth

9 3 0
                                    

Fortieth

-*- Riyan -*-

Nang dumating ako sa bahay ay sinalubong niya ko.

Napa-atras ako ng isang beses pero hindi niya yon napansin.

Ito na yung huli.

Dinala niya ko sa kitchen. Bakas sa mukha niya na sobrang masaya siya.

Sa oras na umalis ako ay hindi ko na alam ang mangyayari sa ngiti na yan.

Hindi pa man kami nakaka-upo ay nag-ring ang phone niya.

Sinagot niya yon nang naka-ngiti.

"Ma, where are you?" tumingin sa gawi ko si Tres at ngumiti. "Nasa labas na kayo? Ang bilis naman. Nevermind, bye na." binaba niya ang tawag.

"They're here. Sunduin ko na sila sa labas." paalam niya sakin.

Hindi na ko umimik at hinayaan siyang lumabas sa kitchen.

"Sorry, Tres." sabi ko na lang.

Oras na para umalis.

~*°*~

-*- Tres -*-

Nang buksan ko ang pinto ay yumakap agad sakin si Mama.

"I missed you so much, Tres." humiwalay siya at pinag-masdan ako. "You look happy, son. Why? Are you with someone?" pinaliit niya ang mata niya kaya ay sabay kaming natawa ni Papa.

Nakalimutan na ba niya? Hindi niya ba alam na nandito si Riyan?

"Yup!" sagot ko na lang. "I'm with her." nang banggitin ko yon ay nawala ang mga ngiti sa labi nila na nag-dulot sakin ng pag-tatakha.

"With whom?" tumaas ang isang kilay ni Mama kaya ay nginitian ko na lang siya ulit.

"With her, Riyan."

Nagka-tinginan silang dalawa.

"Riyan?" tanong ni Papa.

"Yung apo ni Manang, nakalimutan niyo na ba?" nag-pout pa ko sa harap nila. Umalis lang sila nakalimutan na nila si Riyan.

"What are you talking about, Tres?" kunot noong ani Mama.

"She's here." at nang banggitin ko yon ay mabilis na nangilid ang luha niya at napa-takip sa bibig niya ang kamay niya.

Nagulat ako nang yakapin niya ko.

"Why?" tumingin ako kay Papa na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"I'm so sorry, son. Hindi namin sinabi sayo, kasi akala ko ayos lang. But..oh my.." bulong ni Mama at napa-yuko na lang si Papa.

"Don't be like that, Ma. Ano ba kasi yon?" hindi na ko mapakali dahil sa ina-akto nila.

"She's...gone." halos walang boses na ani Papa.

Ayaw akong bitawan ni Mama pero nag-pumilit akong maka-layo. Tinignan ko sila at natawa ko ng bahagya.

"Bakit niyo yan sinasabi? She's here, Ma. Siya yung kasama ko nung wala kayo kaya panong wala na siya?" sinubukan kong ngumiti pero kahit ang pilit na ngiti at ayaw lumabas sa labi ko.

Hindi sila sumagot. "Ma, Pa. Believe me, she's here." hinila ko si Mama sa kamay at dinala ko siya sa kitchen.

And suddenly naka-ramdam ako ng takot.

Wala siya don.

"Riyan!" tawag ko sa pangalan niya.

Lumapit ako kung saan ko siya iniwan.

"Nandito lang siya kanina. Ma, believe me." ani ko nang hindi ko namamalayang kumawala na ang luha sa mata ko.

Hinalughog ko ang buong kitchen pero bigo ako. Wala siya.

"Ma, nandito siya kanina." luminga linga pa ko. "Wait, I'll go upstairs, baka umakyat siya. Wait h--" akmang aalis ako sa kitchen pero hinawakan ako ni Mama sa kamay ko.

"Stop it, Tres." aniya na mas nagpa-kaba sa sistema ko.

"Ma, imposible yang sinasabi mo. Siya yung kasama ko dito simula nung umalis kayo, kaya pano? Panong wala na siya?" halos wala ng boses na sabi ko.

"Just stop, son." ma-otoridad na sabi ni Papa kaya ay natigil na lang ako.

"How come?" di maka-paniwalang tanong ko.

Imposible. Kung totoo naman ay panong naging ganito?

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon