Twenty-Fourth
•*• Ball •*•
-*- Tres -*-
Kanina pa ko palinga-linga. Hinahanap ko siya ngunit hindi ko siya makita.
So totoo?
Nag-buntong hininga na lang ako.
Hindi ko talaga gusto ang event na ganito. Maingay. Magulo. Nakakairita yung yung ilaw na umiikot.
Kasama ko sa table sina Yani. As usual, mag-kasama ang mga may ka-date. At sa mga kasama ko ay ako lang ang walang ka-date.
Tatlong oras na kong napa-upo dito. Ang boring, sobra.
Buong akala ko ay pati si Lance ay walang ka-date pero nagulat ako nang dumating siya kanina ay kasama niya yung isang officer, yung Auditor namin.
"Tres, where's your date?" Tanong ni Yani na katabi ko lang at kaliwa niya si Kiko. At sa kanan ko ay si Lance.
Nakaramdam ako ng hiya nang naramdaman kong naka-tingin sakin ang lahat ng kasama ko sa table.
"Wala." Simpleng sagot ko saka nag-iwas ng tingin.
Naka-hinga ko nang maluwag nang mag-salita ang host.
"Ladies and gentlemen, all of you may proceed at the center and bring your partners."
Lahat ng mga may date ay nagsi-tayuan at nag-tungo sa dance floor.
"Tres, wag kang aalis dyan ah? Wag mo kong tatakasan." Natatawang sabi ni Kiko.
Tumango na lang ako pero wala akong balak na sundin niya.
Kapag nainip na ko ay aalis na ko agad.
Right from the start, sayang na yung oras ko nang dumating ako sa venue.
Kumuha ako ng isang piraso ng tissue at kumuha ng ballpen sa slingbag na dala ni Yani.
Note: I'll go ahead. Ang boring ng ball.
Pagka-tapos ko yong isulat ay nilapag ko ang tissue sa ilalim ng slingbag ni Yani.
Hindi agad ako umalis. Nag-tungo muna ako sa isang mataas na lugar kung saan ay matatanaw ko ang mga taong nasa loob ng venue.
All of them were very happy. While me...tsk! Nevermind.
Pinanood ko ang mga nag-sasayaw sa gitna. Pagka-tapos ng ilang sway ay nag-papalitan sila ng mga partner.
Nakikita kong masaya silang lahat sa ginagawa nila.
Ano bang nakaka-tuwa sa pag-sayaw? Ilang minuto o segundo ka isasayaw ng kapareho mo at pagka-tapos ay ipapasa ka sa ibang lalaki? Tell me, anong nakaka-tuwa don?
Natanaw ko si Kiko sa malapit. Pangatlong babae na ang ka-sayaw niya ngayon. Nag-bago ang ngiti niya.
Kanina ay nung si Yani pa ang ka-sayaw niya ay bio at puro ang ngiti na pinapakita niya. Sa pangalawa ay masasabi kong okay pa. At itong pangatlo, mukhang naiirita na siya.
See? Kahit siya ay nakakaramdam ng pagka-bagot.
That's why I hate this ball. Maybe. Siguro ay nasasabi ko lang 'to just because Riyan is not here. Who knows?
And suddenly..
May isang babae ang naka-agaw ng atensyon ko. She's wearing her usual clothes. Mukhang nag-mamadali siyang umalis.
Akala ko ba ay hindi ka pupunta, Riyan? Then why are you here?
Kinabahan ako nang makita kong palabas na siya ng venue.
Agad akong bumaba kung nasaan man ako at mabilis kong sinundan si Riyan.
Nang umabot ako sa gate ay lumiko siya sa isang eskinita.
Bakit siya tumatakbo?
Nang maka-lagpas ako sa eskinita ay kalsada ang bumungad sakin. Lumingon ako sa kanan ngunit hindi ko siya nakita. At nang sa kaliwa..
Nakatayo siya sa tapat ng pedestrian lane. Halatang nag-mamadali siya.
Nakampante ako nang makita ko ang stoplight na naka-pula ang ilaw. Maaabutan ko siya.
Napa-ngiti ako. "Riyan!" Tawag ko sa kaniya. Lumingon siya at bakas sa mukha niya ang pagka-gulat.
Nang tangkain kong lumapit ng isang hakbang bang nilingon niya ang daan na tila nag babalak siyang tumawid.
Lumapit pa ako ng isang beses, kasabay non ang pag-hakbang ni Riyan at ang pag-galaw ng mga kotse sa kalsada.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...