Sixth
-*- Riyan -*-
Dumaaan ko sa silid kung saan nag-susulit si Tres.
Mukhang seyoso siya sa midterm this sem. Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya makuha yung sinasagutan niya.
Samantalang yung kaibigan niyang si Kiko ay tinatawanan siya.
Napa-ngiti ako nang mapansin kong may itsura 'tong si Kiko. Ngayon ko lang siya napag-masdan ng ganito katagal.
Nang mapunta ulit kay Tres ang tingin ko ay...naka-tingin na siya sa gawi ko at salubong na ang kanyang kilay.
Natakot ako sa tingin niya kaya ay umalis na ko sa kinatatayuan ko. Muli ay ginapang ako ng kaba.
Nag-tungo ako sa field at umupo sa may lilim.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Biglang sulpot ni Kyle.
Hindi ko siya tinignan imbis ay sa mga damo ako naka-tingin. "Uuwi na rin ako mamaya. Gusto ko lang munang makapag-isip."
Naramdaman kong tumabi siya sa gilid ko. "Tungkol naman saan?"
Nag-angat ako ng tingin at tumingala sa langit kahit nasisilaw ako. "Tungkol sa lahat."
Narinig ko siyang nag-buntong hininga. "Kailan mo ba balak sumama sakin?" May halong lungkot sa tono niya.
"Hindi ko pa alam, Kyle. Hindi ko pa kaya." Malungkot ring sabi ko.
"Hindi mo kaya? O hindi mo ako kayang piliin?" parang walang pag-asang aniya.
"Hindi sa ganon. Pero Kyle, si Tres muna ang pipiliin ko sa ngayon." Paliwanag ko na sana ay maintindihan niya.
"You're wrong, Riyan. Ang dapat mong gawin ay piliin mo ang sarili mo. Hindi ako at hindi si Tres kundi sarili mo." Tumayo na siya at iniwan niya ko sa field.
Sa t'wing mapupunta sa ganito ang usapan ay bigla na lang siyang naiinis o kaya ay nagagalit. Minsan nga ay na-iisip ko na galit siya kay Tres o kung ano man.
Basta mabanggit ko si Tres ay hindi na maganda ang timpla niyang si Kyle.
Tama ka Kyle. Siguro nga ay kailangan ko munang piliin ang sarili ko. Susubukan ko. Sana ay magawa ko, Kyle.
Tumayo na ko at umuwi na lang.
~*°*~
-*- Tres -*-
"Oy Tres! Ano bang ginawa ko sayo?" Natatawang tanong niya. "Bakit ba mukhang inis ka? Tae naman oh! Pansinin mo ko!" Hinahabol biya pa rin ako. At tumatawa pa rin siya.
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.
I just..
Nahuli ko si Riyan na naka-tingin kay Kiko.
"Tres! Iiyak ako dito kapag di mo ko pinansin!" Sigaw niya pa.
"Just do it!" Sabi ko nang hindi siya nililingon.
Dire-diretso kong pumunta kung nasaan ang kotse ko. Nang maka-sakay ako ay padabog kong sinara ang pinto.
"Tres!" Si Kiko ulit. Kumatok siya sa bintana ng kotse ko pero hindi ko binuksan. "Tres, wag ka na magalit. Ikaw lang naman mahal ko eh. Promise loyal ako sayo!" Sigaw niya mula sa labas.
Binaba ko yung bintana at napa-ngiti siya sa ginawa ko. "Di ka na galit?" Asar niya.
"Gago!" Inis na sabi ko at muling sinara ang bintana ng kotse.
"I love you, Tres!" Narinig ko pang sigaw niya bago ko paandarin yung kotse.
Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko agad si Riyan sa living room.
Napa-tingin siya sa gawi ko. "Hi Tr--" nilagpasan ko siya at diretsong umakyat sa kwarto ko.
Nag-hintay ako ng ilang minuto. Akala ko ay susundan niya ako at tatanungin kung anong problema. Pero wala.
Ano bang nangyayari? Bakit ko to nararamdaman?
Nag-tungo ako sa veranda sa kwarto ko.
Tinawagan ko na lang si Mama. Apat na buwan na rin silang wala dito. Siguro ay marami talaga silang ginagawa.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...