Forty-Fifth
-*- Tres -*-
"Tres, Tumayo ka na dyan. Kakain na tayo, anak." Sabi ni Mama.
Wala kong gana, Ma.
Ilang buwan na din yung lumipas pero hindi ko pa rin matanggap.
Halos hindi na ko nakaka-kain ng maayos. Hindi na din ako masyadong lumalabas ng kwarto ko. Ni hindi ko pa nga nakikita sila Kiko.
"Anak.." tawag pa niya.
Nasanay na ko na ganyan si Mama. Halos araw araw na niya kong pinupuntahan sa kwarto ko para gawin yan.
At ako? Hindi ko alam kung bakit ayokong pakinggan yung sinasabi niya. Hindi ko din siya sinusunod.
"Son, don't be like that." Bulong niya pa.
Be like what?
"Ma, tell me. Ano bang dapat kong gawin?" Malamig na sabi ko. "Hindi ko na kasi alam.." halos mabasag na yung boses ko.
Wala akong maramdaman. Parang nakalimutan ko na lahat pero bakit siya hindi ko makalimutan?
"I don't know what to say, son. I'm sorry." Naka-yukong aniya.
Ilang minuto pa siyang nanatili sa kwarto ko pero kusa din siyang lumabas.
Umupo ako at nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko.
Ilang buwan din akong nag-kulong sa kwartong 'to.
Tumayo ako at kinuha ko yung malaking notebook na binigay sakin ni Yani.
Binuklat ko yung unang page at natawa na lang ako.
Puro mukha ko ang laman ng notebook na 'to.
Lagi niya kong sinusundan kung saan ako pumunta, para lang dito.
May isang note na naka-sulat sa blue na papel.
Note:
Di ko alam na masungit ka pala. Nag-tatampo ako sayo kasi nasigawan mo ko pero okay lang kasi mukhang di mo naman sinasadya ~ Riyan.Yun lang ang naka-sulat. Sa ibang page ay wala na at puro picture na lang.
Yung pinaka-huli ay yung na-picturan niya ko ng may flash.
"Ganito pala yung mukha ko nung unang beses na nakita kita. Ang panget.." ngumiti ako at sinara ko na yung notebook.
Nilagay ko iyo sa drawer ko.
Na-alala ko yung sinabi ni Manang.
Mahal ka ng apo ko, yun nga lang ay wala na siya. Marami siyang gustong gawin kasama ka. Sinubukan niyang lumaban pero..
"Gumising ka na, Tres. Hindi na siya babalik." Bulong ko sa sarili ko.
All this time, linoko ko lang yung sarili ko.
Yung mga bagay na ginawa ko, wala lang pala.
But how? Panong nakita ko siya? Panong nahawakan ko siya?
Sino bang paniniwalaan ko? Kung ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam yung nangyayari.
Ganito pala yung pakiramdam ng madaming iniisip. Ang daming tanong. Pero isa lang yung sagot na naku-kuha ko.
Ilusyon.
Nabiktima ko ng sarili kong ilusyon.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.
Ayoko ng lokohin yung sarili ko, Riyan. Pagod na rin ako. Malinaw na sakin na hindi ka na babalik. Pero ang sakit kasi hindi ko matanggap. But I need to.
Lumabas ako ng kwarto ko at kinalma ang sarili ko.
Hindi na kita makaka-salubong sa t'wing lalabas ako ng kwarto ko.
Dumiretso ako sa kitchen.
Hindi na din kita makikita dito.
Lumapit ako kay Mama at nag-beso. May pag-aalala pa rin sa kaniya.
Nginitian ko siya. "I'm fine, Ma. I'll try.." sabi ko pa bago tuluyang kumain.
I'll try, Riyan.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...