Thirty-Second

14 3 1
                                    

Thirty-Second

-*- Tres -*-

Ilang minuto na rin akong nakababad sa harap ng salamin. Bihis na rin ako at handa nang pumasok.

Hindi ko alam kung totoo ba lahat.

Natatakot ako na baka pag-labas ko sa kwarto ko ay hindi ko makita si Riyan.

Nag-ring ang phone ko at ikinagulat ko yon. At sa kasamaang palad ay nasagi ko ang family picture namin.

Kinabahan ako nang makita ko ang basag na frame.

What does it mean?

Pinilit kong kumalma at inayos ang nabasag. Tinaob ko muna pansamantala ang frame at mamaya ko na lang aayusin.

Sinagot ko ang phone ko na kina pa nag-ri-ring.

"What?" Bungad ko sa kaniya.

["Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?"] Mahinang sabi niya.

Naramdaman ko ang pag-kunot ng noo ko. Anong gusto niyang sabihin?

"I'm talking to you right now.." sagot ko na lang.

["No! What I mean is where are you?"] Pa-bulong pa rin na sabi niya.

What wrong with him? Ano bang trip niya?

"In my room, why?" walang pakialam na sabi ko.

["Brad! Pumunta ka na dito! Late ka na tanga!"] 

Ano bang sinasabi ng isang 'to? at saan naman ako pupu--oh sh*t! Late na nga ako!

Agad kong binaba ang tawag at dinampot ko ang bag ko saka diretsong lumabas ng kwarto ko.

Bago ako tuluyang maka-labas ng bahay ay nahagip ng mata ko si Riyan. Nasa living room siya at mukhang may ginagawa. Napa-ngiti ako. 

Hindi siya umalis.

~*~

Nang maka-rating ako sa school ay saktong break time na.

Dumiretso ako sa court dahil alam ko namang dun ang punta ni Kiko kapag break time. At hindi nga ako nag-kamali.

"Brad!" Salubong niya sakin. "Walangya naman! Hindi mo man lang ako sinabihan na magpapa-late ka. Tsk! Akala ko pa naman mag-kaibigan tayo."

Just so you know, wala sa plano ko ang magpa-late. Ni hindi ko nga alam na late na ko kung hindi pa siya tumawag.

"Nga pala, Tres. Mukhang pumapayat ka ata? Diet ka ba?" Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"No." Simpleng sagot ko at hindi ko na lang siya pinansin.

Umupo ako sa bench at pinanood si Kiko mag-laro. Kalaro niya yung kapatid niya.

Sa kina-uupuan ko ay katapat ko ang entrance sa kabilang dulo kaya nakikita ko kung sino ang lumalabas t pumapasok sa loob ng court and to be honest hindi ko ine-expect na pupunta dito si Yani.

Sa pagkaka-alam ko kasi na hindi siya napa-padpad sa court na 'to ng walang dahilan unless my something na sa kanila ni Kiko.

Himala atang hindi siya naka-ngiti ngayon.

"Dizon!" Tawag niya kay Kiko na agad na tumigil sa ginagawa. Nilingon niya si Yani pati yung kapatid niya.

"Oh! President, bakit? May kailangan ka?" Malawak ang ngiti ni Kiko. Hindi sumagot si Yani, instead..

Na-tahimik yung mga tao. Why?

Yinakap niya lang naman si Kiko and now she's crying.

"H-hala! A-no bang nangyari? Inano ba kita?" Halata sa boses ni Kiko na hindi niya alam ang gagawin niya

Napa-ngisi ako. What a scene?

Nang mag-uwian na ay dumiretso ako sa bahay.

At sa kasamaang palad, wala nanaman siya.

Baka naman lumabas lang siya saglit?

Dumiretso ako sa kwarto ko at humarap sa salamin.

Ilang segundo kong tinitigan ang repleksyon ko. Wala namang mali sakin.

Paranoid lang siguro si Kiko. Ngumiti ako pagka-tapos ay nag-bihis na ko.

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon