Third

45 6 2
                                    

Third

-*- Tres -*-

Sa mga sumunod na araw ay madalas hindi ko naaabutan si Riyan sa umaga. Maaga siguro siyang pumapasok.

At kapag umuuwi ako ay may mga times na sabay kaming kumain pero madalas din na hindi ko din siya nakikita.

Minsan din ay nagugulat na lang ako na dadating siya.

Gaya ngayon. Kakauwi ko lang at wala siya dito sa bahay. Sinilip ko siya sa kwarto niya pero wala siya.

Nasaan naman siya?

Palabas sana ko sa pinto kaya lang ay biglang sumulpot siya.
Pareho kaming nagulat pero siya yung unang naka-recover.

"Kumain ka na?" Tanong ko bago niya ko lagpasan.

"Kakatapos lang, thanks." Sinabi niya yan nang hindi man lang ako tinitignan.

And lately, napapansin kong iniiwasan niyang mapatingin sa mata ko. Hindi niya magawang tumingin sakin.

Pinanood ko siyang umakyat sa taas bago nag-tungo sa Kitchen para kumain.

Gutom na ko kanina pa. Bakit ko ba kasi naisip na hintayin siya?

Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi mawala sa isip ko kung bakit hinintay ko siya?

"Nakakainis.." bulong ko sa sarili ko.

~*°*~

Agad akong lumabas ng room pagka-tapos ng huli kong klase.

Nag-tungo ako sa field side at naupo sa isang bench.

Uuwi ba ko ng maaga? Naka-uwi na kaya siya?

Nilibot ko ng tingin ang paligid ng field. Marami ring estudyante ang nakatambay dito.

O? Akala ko maaga siyang uuwi?

Nakita ko si Riyan. Naka-upo siya sa isang bench sa di kalayuan. Mag-isa lang siya.

Wala ba siyang mga kaibigan?
Napa-ngiti ako. Nagyon ko lang siya nakita sa loob ng school. Madalas kasi ay sa bahay ko na lang siya nakikita.

"Tres!" Tawag ni Kiko, isa sa mga kaibigan ko. Nang makalapit siya ay naka-tingin pa rin ako kay Riyan. "Basket tayo."

Alam kong may sinabi si Kiko, pero hindi ko siya naintindihan dahil wala sa kanya ang atensyon ko. Nakay Riyan.

Pinapanood ko siya habang nilalaro niya yung mga damo gamit ang paa niya.

May grupo ng mga babae ang papalapit ngayon sa pwesto niya. Hindi pa man nakaka-upo yung mga babae ay tumayo siya bigla.

"Tres! Nakikinig ka ba?" Doon lang ako natauhan. "Ano game?"

"Next time, busy ako ngayon." Tinapik ko siya sa likod.

"Next time, sure yan. Una na ko." Paalam niya at umalis na.

Tinignan ko yung pwesto kung nasaan kanina si Riyan. Wala na siya don.

~*°*~

-*- Riyan -*-

Busy ako sa pagkain na hawak ko. Kasalukuyan akong nag-lalakad pauwi. Kasama ko si Kyle.

"Bakit ka umalis kanina?" Hindi ko siya nakikita. Nauuna kong mag-lakad sa kanya.

"Kanina sa field?" Tanong ko nang hindi lumilingon.

"Lalapitan dapat kita, pero bigla ka namang tumayo at umalis." May halong inis yung pagka-bigkas niya.

Bakit siya naiinis?

"Yun ba?" Hinarap ko siya at napatigil siya sa pag-lalakad. Magka-tapat kami kaya nagulat siya nang huminto ako. "Kahit hindi ako naka-tingin ay alam kong pinapanood niya ko. May mga babaeng lumapit sa pwesto ko. Kung hindi ako umalis doon ay may makikita siyang hindi niya dapat makita." Paliwanag ko sa kanya at nag-patuloy na sa pag-lalakad.

"Kung meron man siyang dapat na hindi makita...ikaw yon, Riyan. Alam mo yan." Aniya na nagpa-luha sa mga mata ko.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko matatakasan ang katotohanan.

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon