Twenty-First

19 3 4
                                    

Twenty-First

-*- Riyan -*-

Halos ilang araw ding parang balisa si Tres.

Lalo na nung isang araw. Naririnig ko siyang nag-sasalita sa loob ng kwarto niya. At nang buksan niya ang pinto at nang tanungin ko siya ay bigla niya akong sinaraduhan ng pinto.

Nagulat ako don. Ilang segundo rin akong nanatiling nakatayo sa tapat ng kwarto niya nang mga oras na yon. Inisip ko kung anong nangyari sa kanya.

Nang tumagal ay umalis din ako dahil wala akong maisip para saraduhan niya ako ng pinto.

At sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin siya. Balisa siya palagi. Minsan ay babanggitin niya ang pangalan ko at bigla na lang niya kong tatalikuran o kaya naman ay aakyat siya sa kwarto niya.

Gaya ngayon. Pinapanood ko siyang kumain. Naka-tingin lang ko sa kanya. At siya naman ay napapa-sulyap at bigla na lang siyang nag-iiwas ng tingin.

Hindi ko na lang siya masyadong pinansin.

"Riyan." Aniya.

Tinignan ko siya ng masama at hinintay kung ano man ang sasabihin niya.

Akala ko ay may sasabihin na siya pero bigo ako. Bigla nanaman siyang umalis sa harap ko.

Napa-nguso na lang ako at umalis na din sa Kitchen.

~*°*~

"Riyan, kamusta?" Tanong ni Kyle nang may ngiti sa labi.

Pinuntahan ko si Kyle. Ilang araw ko din siyang hindi nakita.

"Ayos naman ako." Naka-ngiti ring sabi ko.

"Mukhang masaya ka." Aniya nang hindi naka-tingin sakin.

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"Buti ka pa. Nagagawa mong maging masaya sa lagay na yan." Nag-tama ang mga mata namin nang lingon niya ko. "Gusto ko lang ipa-alala sayo, malapit na tayong umalis."

Hindi mo na kailangang ulit ulitin, Kyle. Alam ko.

Yumuko ako at nag-buntong hininga.

"Kung iniisip mong natutuwa ako sa pag-alis mo, nagkaka-mali ka. Iniisip ko rin kung anong mararamdaman mo, pero kailangan mong tanggapin na sa huli ay sakin ka sasama." Bakas sa tono niya ang lungkot.

"At kung iniisip mong ginagawa ko 'to dahil sa gusto ko lang, no. Ginagawa ko 'to dahil ito naman talaga ang dapat na mangyari." Tinapik niya ko sa balikat kaya ay napa-tingin ako sa kanya.

Kyle, hindi ko pa nahahanap ang mga sagot sa tanong ko. Pero isa lang ang malinaw sakin.

May hindi siya sinasabi sakin.

Iniwan ko siya doon sa pwesto niya at umuwi na ako.

Naka-uwi na kaya si Tres?

Pumasok ako sa loob at agad kong nakita si Tres na kakalabas lang sa Kitchen.

Napa-tingin siya sakin at akmang tatawagin ko siya kaya lang ay dire-diretso siyang umakyat patungo sa itaas.

Ayan nanaman siya. Mukha siyang ewan.

Sinundan ko siya at agad na sumara ang pinto ng kwarto niya.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko.

Humarap ako sa salamin na nakalagay sa cabinet.

Kahit na alam ko ang dahilan ay hindi ko maiwasang mag-takha. Wala akong nakitang repleksyon ko.

Ganoon na ba ka-lalim ang nararamdaman niya para mangyari ang lahat ng 'to.

Napa-hawak ako sa parte kung nasaan ang puso ko.

Kahit ang emosyong laman ng puso ko ay hindi ko dapat nararamdaman.

~*•*~

A/N: malapit na siya XD

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon