Fifteenth
-*- Tres -*-
Maraming ginawa ngayon sa school. Marami kasing event ang mangyayari next month.
December month na next week. Yun na ang pinaka-masayang month para sa lahat ng estudyante sa Campus na 'to.
T'wing buwan ng December kasi nagaganap ang ball na gusto ng lahat. Well, except me.
Ayokong napapa-libutan ako ng maraming tao. Hindi ako sanay.
Medyo late na kaming naka-labas ni Kiko. Isa kami sa mga organizer ng mga event. How ironic, right? Ayoko sa ball na yan pero organizer ako. Pumayag lang ako dyan dahil kay Kiko, pinilit niya kong sumali. Dati pa kami member pero ngayon lang kami nag-participate. Ewan ko ba sa kanya.
"Tres, diretso uwi ah!" Sigaw ni Kiko bago ako maka-sakay sa kotse ko.
Hindi ko nakita sa Riyan sa loob ng campus. Hindi ba siya pumasok?
Napa-buntong hininga ako.
Dalawang beses ko pa lang siya nakikita sa school.
Napa-lingon ako nang may makita akong convenient store.
Huminto ako saglit sa pag-mamaneho at bumaba sa kotse ko.
Pumasok ako sa loob at bumili ng dalawang drumstick.
"Magugustuhan niya kaya 'to." Bulong ko sa sarili ko at napa-ngiti na lang ulit.
Bumalik na ko sa kotse ko at nag-maneho na ulit patungo sa village.
Nang malapit na ako sa entrance ay ibinaba ko ang bintana sa gilid ko para batiin si Kuya Liyo, yung guard ng village.
"Sir, late po kayo ngayon ah? Busy sa school?" Naka-ngiting tanong niya. Tinanguan ko naman siya silang sagot.
"Sige po. Mukhang pagod na kayo. Advance Merry Christmas po."
"Salamat po." Sabi ko at umalis na doon.
Nang marating ko ang bahay ay masaya akong pumasok sa loob at dumiretso sa living room.
"Ri--" natigilan ako nang hindi ko nakita si Riyan doon.
Akala ko ay naka-uwi na siya? Baka naman tulog na?
Nag-tungo ako sa Kitchen. Wala rin siya. Nilagyan ko ang drumstick sa freezer at dumiretso sa itaas.
Pumasok ako sa kwarto ko at nag-palit ng pambahay na damit.
Lalabas na dapat ako kaya lang ay tumunog ang phone ko. Si Kiko, tumatawag.
["Brad! Naka-uwi ka na?"] Tamad na tanong niya.
Napa-ngisi ako. "Kaka-uwi ko lang."
["Sige. Salamat nga pala kanina. Di ko akalaing marami kang alam pag-dating sa mga event. Kung wala ka dun malamang patay ako kay Lance."] Tumawa pa siya. ["Love you, Brad!"]
Hindi na ako naka-sagot kasi ay binabaan niya agad ako.
Binulsa ko yung phone at lamabas ako sa kwarto ko.
Papunta ko sa kwarto ni Riyan. Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan.
Naka-pasok naman ako.
Kung iniisip niyong may balak ako ay wag na lang kayong mag-isip.
Wala akong balak. Gusto ko lang siya makita.
Lumapit ako sa gilid ng higaan niya at pinag-masdan siya.
Sa tingin ko ay kahit na sino ay magugustuhan siya. Maswerte ang lalaking mamahalin niya. At sana...ako yon.
Payapa siyang natutulog. Nakakatuwa. Parang wala siyang pino-problema.
Aamba sana kong hahawakan ang pisngi niya kaya lang ay biglang tumunog ang phone ko.
Nataranta ako ng nang bahagya. Agad akong lumabas sa kwarto niya at sinara ang pinto.
Napa-hawak ako sa dibdib ko. Kinabahan ako. Hindi ko alam pero hiningal ako.
Ano bang ginawa ko? Bakit ba ko pumasok sa kwarto niya? Bakit ko siya hahawakan? What the hell, Tres! Baliw ka na ba?!
Natauhan lang ako ulit nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.
Muntik na yon.
Bumalik na ko sa kwarto ko at sinagot ang tawag. Nang mag-salita ako ay wala namang sumagot. Sinilip ko ang screen ng phone at wala akong nakitang caller.
What? Ano yon? Weird.
Hinagis ko ang phone ko sa kama at nahiga na.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...