Second
-*- Tres -*-
Kakagising ko lang. Wala nga pala si Mama para gisingin ako.
Tumayo ako at nag-inat. Ang sarap ng tulog ko. Napa-ngiti ako. Komportable talaga ko kapag tahimik sa bahay na 'to.
Tumingala ako sa pader para tignan ang oras. Meron pa kong dalawang oras bago pumasok.
Nag-hilamos ako at lumabas agad sa kwarto.
Nanlaki yung mata ko dahil sa nakita ko. Nandito siya? Akala ko naman nasa probinsya na siya.
Naka-pajama siya at simpleng t-shirt lang yung suot niya.
Napa-tingin siya sakin. Akala ko ay may sasabihin siya pero wala. Linagpasan niya ko.
Ano yon? Di niya ba ko nakita? Imposible, tinignan niya ko kaya nakita niya ko.
Dire-diretso siyang bumaba na parang walang nangyari.
"Hoo!" Napa-hawak ako sa dibdib ko. "Nagulat ako dun ah." Doon ko lang na-pantanto na tumigil ako sa pag-hinga. Ang tanga ko naman, bakit ko ginawa yon?
Di ko na lang pinansin at bumaba na rin ako.
Naabutan ko siya sa Kitchen. Busy siya sa pag-kain at talagang hindi niya man lang naramdaman na pinapanood ko siya.
"Hoy!" Tawag ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya sa ginagawa niya pero bumalik siya sa pag-kain pagka-tapos ng ilang segundo.
Ano ba siya? Bingi? Kanina hindi niya ko pinansin. Baka bulag siya. Tapos ngayon di niya ko narinig? Ayos!
Hinila ko yung upuan at umupo ako doon. Bale katapat ko siya.
"Hoy!" Tawag ko ulit sa kanya. Alam ko yung pangalan niya pero ayokong banggitin.
Ngayon ay tumingin na siya sakin. Ito yung unang beses na nakita ko yung emosyon sa mata niya.
She's afraid.
"Nag-day-off si Manang, bakit nandito ka?" Napa-awang yung bibig niya. Parang hindi niya alam yung isasagot niya.
Nag-iwas siya ng tingin at kumain na lang siya ulit.
"May pasok ka ngayon?" At sa pangalawang beses ay natigilan ulit siya. Nag-salubong na ang kilay ko dahil sa reaksyon na pinapakita niya. "Bakit ba parang nagugulat ka sa tuwing may itatanong o kakausapin kita?" Kaswal na tanong ko.
"Excuse lang." Sabi niya at dinala niya yung pinag-kainan niya sa lababo. "Wala akong pasok kapag lunes." Pagka-tapos ay iniwan niya ko sa Kitchen.
Okay? Parang iwas na iwas siya? Wala naman akong ginagawa sa kanya. At mas lalong wala akong sakit.
~*°*~
-*- Riyan -*-
"Kyle, pano 'to?!" Natatarantang tanong ko.
Nang pumasok na si Tres sa school ay lumabas agad ako sa bahay nila para makapag-kita kay Kyle, kaibigan ko.
"Bakit ba kasi bumalik ka pa sa bahay na yon?" May halong inis sa tanong niya. "Sinabihan na kita, pero hindi ka nakinig."
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba. "Hindi ko naman kasi alam na makikita niya ko. Nagulat din ako."
"Ang tanong ay bakit ka bumalik doon?" Naiinis na siya.
Napa-yuko ako. "Hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko pa kaya, Kyle."
Hinarap niya ko at nakita ko nanaman yung seryoso niyang mukha. "Kailangan mo na siyang iwan, Riyan. Sasama ka sakin."
Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Natatakot ako.
"Sorry, Kyle. Hindi ko pa talaga kaya." May namuong luha sa mata ko.
"Kailan ka aalis? Kapag minahal ka na niya?" Naiyak ako sa tanong niya. "Mas mahihirapan ka lang kung papatagalin mo 'to." Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Come with me, Riyan."
Ayaw tumigil ng luha sa pagtulo mula sa mata ko.
"Sorry, Kyle." Iniwan ko si Kyle sa kinatatayuan niya.
Masama ba ko?
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...