Twentieth

22 3 5
                                    

Twentieth

-*- Tres -*-

Kanina pa ko palakad-lakad sa loob ng kwarto ko.

Hindi ako mapakali. Masyado kong nakakaramdam ng pressure.

"C'mon, Tres. Just ask her, hindi mo naman ikamamatay." Bulong ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Nasa tapat na ko ng pinto sa kwarto ko.

Lalabas ba ko o hindi?

Napa-pikit ako at napa-sabunot sa buhok ko.

Anong kalokohan ba 'tong ginagawa ko?

"Okay. Lalabas ako ng kwarto. Then I will go to her room and last, ask her to be my date. That's all." Huminga ulit ako ng malalim at akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla akong tumigil.

Tinalikuran ko ang pinto. "Ayokong gawin." Akmang babalik na ako sa higaan ko nang matigilan ulit ako.

"Tres, kapag hindi mo siya niyaya pagsisisihan mo." Bulong ko pa.

Loko 'tong konsensya ko, ayaw akong patulugin.

"Okay. Fine. E'to na talaga." Hinarap ko muli ang pinto at hinawakan ko na ang doorknob.

"Bading." Sabi ko nang mapansin kong na-nginginig yung kamay kong nakahawak sa doorknob.

Napa-lunok ako at dahan dahan kong pinihit yung doorknob. Nang mabuksan ko ng tuluyan ang pinto ay halos lumuwa ang mata ko.

"Anong ginagawa mo, Tres? Kanina pa kita naririnig na parang may kausap ka dyan sa loob." Sabi niya nang may pag-tatakha sa mukha.

At dahil nga bading ako, sinarado ko ang pinto at sumandal doon.

"Ano yon, Tres?! Nasa harap mo na nga tapos sinaraduhan mo pa ng pinto! Anong katangahan yon?!" Medyo inis na sabi ko sa sarili ko.

Baliw na talaga ko. Pati sarili ko pinapagalitan ko. Mukhang tanga.

Lumakad ako palapit sa higaan ko at sinipa yung paanan non.

"Aray! Fvck!" Kung hindi ba naman tanga, nakalimutan kong kahoy yung sinipa ko.

Ano bang ginagawa ko sa sarili ko?

Tumayo ako ang ng maayos at inayos ko ang sarili ko. Tumapat pa ako sa salamin para siguradong maayos talaga.

"Ngayon lang ako naging ganito pag-dating sa babae. Yung tipong gagawin ko pang tanga yung sarili ko para lang sa mga bagay-bagay." Nag-buntong hininga ulit ako at natawa ng bahagya. "Well, on the other side gusto ko naman 'tong ginagawa ko."

Ngumisi ako at binuksan ko ang pinto ng kwarto ko.

"Ri--" natigil ako nang wala na pala si Riyan doon sa kinatatayuan niya kanina.

Hindi ko alam pero naka-hinga ako nang maluwag at naramdaman ko na medyo kumalma na ang sistema ko.

Siguro kung nakakamatay lang ang katangahan, malamang kanina pa ko wala sa mundong ibabaw.

Nag-lakad ulit ako papunta sa harap ng salamin saka nag-buntong hininga.

"Fine, Tres. Reminders and then let's practice." Sabi ko habang tinititigan ko ang repleksyon ko sa salamin.

"Una sa lahat, dapat ay maayos ang mukha mo, gestures and everything." Inayos ko ang buhok ko pati na rin ang damit na suot ko.

"Pangalawa, dapat ay hindi ka kakabahan." Huminga ulit ako ng malalim. "Hoo!"

Ngumiti ako. "The third and the last one, ask her in a good way." Parang tanga ko sa ginagawa ko pero natatawa na lang ako.

"Okay." Umayos ako ng tayo. "Riyan..c-can you--no! W-will you be--what the fvck!" Inis na sabi ko. "Bakit ba ang hirap ne'to?"

Ayoko n---No! I want to do this.

Just chill, Tres.

Lumakad na ko papunta sa pinto at pipihitin ko na ang door knob. Nabuksan ko na ang pinto at akmang tatapak na ko palabas ng kwarto ko.

Pero...

Mabilis ang akong pumasok pabalik sa kwarto ko at direstong humiga sa kama ko.

I really can't do this.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at pinikit ang mga mata.

"Siguro ay hindi pa ngayon ang tamang panahon para ayain siya." Nagtaklob ako ng kumot.

May ibang araw pa naman.

Yeah, more days para mag-mukhang tanga.

~*•*~

A/N: sabi nga nila "don't expect too much." So ayun, hindi ko lang alam kung matutuwa kayo kapag nalaman niyo ang secret ni Riyan, tho hindi naman talaga secret pero basta may hindi siya sinasabi XD
Haha thank you!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon