Thirty-Ninth

10 3 0
                                    

Thirty-Ninth

-*- Riyan -*-

Maagang umalis si Tres dahil ilang oras na lang din ay mag-sisimula na ang program.

Hindi na ko pupunta don. Kailangan kong makita si Kyle, yon ang mas importante.

Pumunta ko sa lugar kung saan ko siya madalas kitain.

At hindi ako bigo na makita siya. Seryoso siyang naka-tingin sakin at mukhang alam na niya ang pakay ko sa kaniya.

"Kamusta? Mukhang alam mo na ang sagot sa lahat. Humanda ka na at aalis na tayo." walang emosyong aniya.

Nag-hari ang galit sa sistema ko.

"Kyle, sabihin mo nga. Ginusto mo ba na nangyari sakin 'to?" nata-takot na tanong ko. At tila ba hindi ako handang marinig ang salitang bibitawan niya.

"Sinabi ko naman sayo na wag mo ng alamin dahil hindi ka matutuwa sa malalaman mo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Riyan." madiing aniya.

Kaya ba gusto mong umalis ng maaga?

"Hindi yan ang gusto kong marinig, Kyle." hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Nag-iwas siya ng tingin at tumanaw sa malayo. Nakita ko ang pag-ngiti niya ng bahagya.

"Alam kong alam mo na yung sagot sa tanong mo, Riyan." halos bulong niyang sabi.

"Sagutin mo yung tanong ko, Kyle. Gusto kong marinig galing sayo. Lahat, Kyle. Gusto kong malaman lahat." diretso lang ang tingin ko sa kaniya.

"Alam mo, hindi ko naman ginusto nung umpisa. Pero nung makita ko kung pano mo siya binalikan, dun ko unang naramdaman yung sakit dito." dinuro niya ang pwesto kung saan naka-lagay ang puso ng tao. "Doon ko naramdaman na habang binabantayan kita ay nahuhulog na ko. At nung mangyari yon ay may kung ano sa puso ko na nakaramdam ng tuwa."

Nangibabaw ang sakit sa mata niya.

"At sa hindi ko malamang dahilan ay ginusto ko na din na nangyari sayo yon."

Napa-yuko ako nang mag-simula ng tumulo ang luha sa mata ko.

"Kyle, bakit?" nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi mo pa rin ba maintindihan kung bakit?!" tumaas ang boses niya kaya ay umiling na lang ako.

Lumapit siya sakin at mahigpit na hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Kasi siya si Tres, Riyan!" tumulo ang luha sa mata niya. "Nasa kaniya na lahat! Yung atensyon, pagma-mahal at yung buhay!" nasasaktan siya.

Pinipilit kong tanggalin ang kamay niyang naka-hawak sa balikat ko.

"Kyle, mali ka. Hindi lahat na kay Tres." nakawala ako sa hawak niya. "Ako, Kyle. Wala ako kay Tres! At habang buhay na yon na wala ako sa tabi niya kasi wala na, Kyle! Wala na!"

"Riyan.." tawag niya sa pangalan ko.

"Kyle, mahal ka nila! Mahal ka ni Tres, mahal ka ng kapatid mo!" pinag-diinan ko sa harap niya yon. "Kyle, maka-sarili ka.."

Ilang segundo ay bumalot samin ang nakakabinging katahimikan.

Tumingin siya sa gawi ko at nginitian niya ako. Doon ko lang namalayan na ang salitang binitawan ko ay siyang tumutukoy din sakin.

Pareho lang kami.

Ibig sabihin ay hinihintay niya lang na ma-realize ko 'to?

"Ngayon ay mukhang mas naintindihan mo na ko. Tama ka, Riyan. Naging maka-sarili ako, kagaya mo." at dahil sa sinabi niya ay mas nalinawan ako. "Hindi mo ko masisisi kung bakit ako naging ganito. Nag-mahal lang ako, kagaya mo. At sa huli pareho lang tayong nasaktan kasi pareho tayong maka-sarili."

Nag-iwas siya ng tingin. "Siguro naman ay na-iintindihan mo na ang gusto kong iparating."

Oo, Kyle. Na-iintindihan ko na.

Kaya ba ayaw mong alamin ko dahil iniisip mo din yung mararamdaman ko?

"Puntahan mo na siya, hinihintay ka niya." hindi ko ina-asahang sasabihin niya yon.

Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil naka-talikod na siya sa gawi ko.

"Puntahan mo na lang ako kapag handa ka na." aniya pa bago siya nawala sa paningin ko.

~*•*~

A/N: ilang chappy na lang talaga wieee kinakabahan na ko baka kasi off yung maging ending eeeee haha no matter what, tatapusin ko tong story na to. Hindi man siguro kasing ganda ng mga endings na kagaya ng ibang stories ang importante matapos ko to haha

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon