Tenth
-*- Riyan -*-
Ilang araw ko na ring iniwasan si Tres. Kahit mahirap ay ginawa ko. Sinubukan kong piliin ang sarili ko pero hindi ko kaya.
Nung isang araw na bumalik ako sa bahay ay naabutan ko si Tres na natutulog sa sofa.
Nakaramdam ako ng lungkot.
Hinintay niya ko.
At dahil doon ay mas lalo lang lumalala yung sakit na nararamdaman ko.
Pano ko aalis kung alam kong nag-hihintay siyang dumating ako?
Sa mga araw na yon ay hindi ko pa rin nakaka-usap si Kyle. Nag-kikita kami pero lagi niya kong iniiwasan. Dahil don ay nadadagdagan yung bigat sa dibdib ko.
Pakiramdam ko ay hindi ko alam ang gagawin mo sa t'wing hindi ko siya nakaka-usap.
Pa-tungo ako ngayon kung saan kami nagki-kita ni Kyle.
Kailangan ko na siyang maka-usap.
Nang maka-rating ako ay napa-ngiti ako nang makita ko siyang nag-lalakad.
"Kyle!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Imbis ay nag-simula siyang mag-lakad palayo.
Mas binilisan ko ang lakad ko para maabutan siya. "Kyle! Kausapin mo ko!" Naramdaman kong may namumuong luha sa mata ko. "Ginawa ko yung sinabi mo. Pinili ko yung sarili ko. Ano pa bang hindi ko nagagawa, Kyle?"
Napa-hinto ako nang huminto siya sa pag-lalakad at humarap sa gawi ko. "Pinili mo nga yung sarili mo but Riyan, hanggang kailan? Alam kong hindi mo siya matitiis." Nagulat ako nang may luhang pumatak sa mata niya. "Pinili mo yung sarili pero sa huli, siya pa rin. Siya pa rin yung pinili mo. Tama ako diba?"
Napa-pikit ako at kasabay non ay lumandas ang luha sa pisngi ko. "Kyle. Sabihin mo nga, bakit gusto mong umalis ako agad?"
Nag-iwas siya ng tingin at hindi ako sinagot.
"Kyle, konting oras pa. Sasama ako sayo kapag kailangan ko ng sumama sayo. I promise." Seryosong sabi ko.
Tinalikuran niya ko. "Pano ka sasama sakin, kung ngayon pa lang hindi mo na siya maiwan. Hindi mo ba talaga ko kayang unahin, Riyan? Lagi na lang ba si Tres?" Iniwan niya ko sa pwesto ko.
Bakit ba, Kyle? Ano bang meron kay Tres? Bakit hindi mo sabihin ng direkta para malaman ko?
~*°*~
-*- Tres -*-
Nang pumunta ako sa Kitchen ay napa-ngiti na lang ako. She's here.
Hindi ko alam kung anong oras siya dumating nung isang araw. Naka-tulog ako non.
Hindi ko na siya tinatanong tungkol don dahil baka iba ang dating sa kanya. At higit sa lahat ay pwede naman siyang umuwi kung anong oras niya gusto.
"Goodmorning, Tres!" Naka-ngiting bati niya.
Mas lalo akong napa-ngiti. Ang ganda ng boses niya. Hindi ako mag-sasawang pakinggan siya.
"Goodmorning.." masayang bati ko din.
Sabay kaming kumain. Nauna siyang natapos at umalis agad siya para pumasok.
Pwede naman siyang sumabay sakin pero bakit lagi siyang maagang umaalis?
Nag-ayos na lang ako at nag-handa na para pumasok.
Nang maka-rating ako sa school ay nilibot ko agad ang tingin ko para hanapin si Riyan. But she's not around.
Sa uwian ay lagi ko siyang inaabangan sa labas ng ABM room pero laging hindi ko siya naaabutan.
"Oh? Dela Rosa? Bakit ka nandito?" Tanong nung babaeng pinag-tanungan ko nung unang beses. "Kanina pa tapos yung klase ng Engineers ah, bakit nandito ka pa?" Medyo nahiya ako sa mga sinabi niya.
"H-hinihintay ko si Riyan." Sabi ko habang pinapanood yung ibang estudyante na lumalabas sa room nila.
Nag-buntong hininga siya kaya nakuha niya ang atensyon ko.
"Wag ka na mag-hintay.." Tinignan niya ako ng seryoso at nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Dudugtungan niya pa sana kaya lang ay may lalaking lumapit sa kanya.
"Yani! We need to go, late na tayo sa meeting!" Sabi nung lalaki at iniwan na nila kong dalawa.
Umuwi na lang ako at dumiretso sa kwarto ko.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...