Thirty-First
-*- Tres -*-
Hindi ako maka-paniwala na kasama ko siya ngayon.
Kasalukuyan kaming nasa veranda ng bahay at pinapanood ang mga paputok sa langit.
Kahit wala sila Mama pati si Kuya ay sapat na sakin na kasama ko siya.
Sa maikling panahon na nakilala ko siya ay hindi ko inaasahan na magiging ganito ang epekto niya sakin. Hindi ko akalaing nahulog ako.
Ito na ang pinaka-masayang bagong taon ng buhay ko. Thank you God for everything.
Tumingin ako sa gawi niya at napa-ngiti ako nang makita ko kung gaano siya kasaya habang pinapanood ang mga paputok sa langit.
Ngayon ko lang nakita ang ngiti niya ng ganito katagal.
Sana ay habang buhay kong masilayan ang mga ngiti na yan at sa kabilang banda ay gusto kong hilingin na sana ay ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi niya.
Masaya ko na nandito siya. Masaya ko na nakilala ko siya at masaya ko na kasama ko siya.
I want to say that I love her already. But I'm afraid that she doesn't feel the same way.
Gusto kong hawakan ang kamay niya ngunit natatakot akong bumitaw siya.
Gusto kong manatili sa tabi niya pero hindi ko alam kung mananatili siya.
Lahat ng yon ay natatakot akong gawin dahil baka isang araw ay bigla na lang siyang umalis na parang bula at walang paalam.
Ayokong mag-bitaw ng salita at ayokong gumawa ng bagay na walang kasiguraduhan kung may babalik sakin.
Natatakot ako sa lahat ng pwedeng mangyari. At natatakot ako na baka sa isang iglap ay mag-laho lahat.
Posible namang mangyari ang lahat ng yon diba? Dahil sa mundong 'to ay walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay.
Pero isa lang ang sigurado ko.
"Wow! Ang ganda!" Aniya na parang bata na mangha na mangha sa nakikita niya.
Kung alam mo lang ay mas maganda ka pa sa mga yan.
"Nakaka-lungkot nga lang kasi hindi ko kasama si Manang. At ikaw naman ay hindi mo kasama ang mga magulang mo." Narinig ko ang buntong hininga niya.
Kahit kailan ay hindi ko naramdamang may kulang sakin dahil nandyan ka. Pero kung ikaw ang mawawala ay hindi ko na alam kung mabubuo pa ko.
Oo, alam kong napaka-baduy ng mga sinasabi ko pero anong magagawa ko? Eh ito yung nararamdaman ko.
"Pero alam mo ba, Tres.." aniya na halos pa-bulong. Kahit na malakas ang putukan ay naintindihan ko ang sinabi niya.
Nakita ko ang ngiti na gumuhit sa kaniyang labi at humarap siya sa gawi ko.
"Sobrang masaya ko, Tres." Na-nginginig ang boses niya at tila ba parang gusto niyang umiyak. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman 'to." At hindi ako nag-kamali. May luhang pumatak mula sa mata niya at diresto ang pag-tulo nito sa kaniyang pisngi. "Basta ang alam ko lang ngayon ay masaya ko, Tres."
Napa-ngiti ako. Tama siya. Masaya din ako. Hindi ko man alam kung hanggang kalain 'to basta ang alam ko ay masaya ko na nandito kami.
~*•*~
A/N: ang hirap T_T naaawa ako kay Tres. Konti pa talaga haha
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...