Thirtieth
-*- Someone -*-
"Bakit tayo nandito?" Takhang tanong niya.
Masyado siyang maraming tanong.
"Gusto ko siyang dalawin." Mahinang sagot ko.
I miss her.
Kakarating lang namin dito. Medyo madilim na kaya ay nahirapan akong hanapin siya.
Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita.
"Bakit pa kasi ako yung sinama mo dito?" Halata ko sa tono niya ang pagka-inis at takot.
"Kung gusto mo nang umuwi, then leave me here. I'm fine." Sagot ko nang hindi man lang siya sinusulyapan.
Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. "Bakit kasi ako pa?" Bulong niya pero narinig ko yon.
"We broke up." Halos pa-bulong ring sabi ko.
"S-sorry." Aniya at naramdaman ko ang pagka-ilang niya.
Napa-ngiti ako. Kung alam mo lang, ikaw yung dahilan kung bakit.
Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko na lang ang pansin ko sa kaibigan ko.
Pumikit ako ng ilang minuto.
Ramdam ko ang tingin niya sakin. Malamang ay iniisip niyang ang weird ko. Whatever.
Nang imulat ko ang mata ko ay napa-ngiti ako.
"Tapos ka na ba?" Tanong niya.
Tumayo na ko at inayos ang damit ko. "Let's go." Nauna kong mag-lakad.
"Hintayin mo ko!" Sigaw niya at naramdaman ko na lang na kasabay ko na siyang nag-lalakad.
Tahimik lang kami habang nag-lalakad. Wala naman kong sasabihin sa kaniya at higit sa lahat ay hindi ko alam kung bakit siya ang sinama ko dito.
Nang tuluyan kaming maka-labas ay saka lang siya nag-salita.
"Tungkol nga pala don. Wala ka bang balak sabihin sa kaniya?" Nasa tono niya ang pag-aalala.
Nginitian ko siya. "Ikaw? Gusto mo bang ipapaalam sa kaniya?" Pag-babato ko ng tanong pabalik.
Hindi na siya umimik at nagpa-tuloy na lang kami sa pag-lalakad.
Malapit lang dito ang village namin kaya ay lalakarin ko lang. At sa kabilang daan ang punta niya.
Hindi na ko nag-abalang mag-paalam sa kaniya at nag-tuloy tuloy ako papunta sa village namin.
Pero hindi ko akalaing susunod siya sakin.
Hindi na ko nag-tanong at hinayaan ko na lang.
"Goodevening po! May kasama po kayo ngayon? Kaibigan po?" Tanong ni Manong guard.
Ngumiti ako. "Goodevening din po. Ah, kaibigan ko po."
Nagpa-alam ako kay Manong at nag-tuloy sa pag-lalakad.
Hinatid niya ko hanggang sa labas ng bahay.
Akmang papasok na ko sa loob nang nag-salita siya.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi. Pero mali naman siguro yung pagmukhain natin siyang tanga." hindi ko maaninag ang mukha niya dahil walang ilaw dito sa labas pero ramdam ko na seryoso siya.
"Sayo ko lang sinabi 'to kasi alam kong maiintindihan mo ko. At ngayon, nasayo na kung sasabihin mo sa kaniya. Kasi ako mismo nahihirapan ako, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko." Naramdaman kong may luhang pumatak mula sa mata ko. Naiiyak ako sa t'wing na-aalala ko lahat ng mga nangyari.
"At sayo ko lang 'to sinabi kasi inaasahan kong matutulungan mo ko." Pinunasan ko ang pisngi ko ngunit nababasa pa rin ito. "Na-aawa ako sa kaniya." Ngumiti ako at huminga ng malalim.
"Pumasok ka na sa loob. Mag-pahinga ka na." Aniya at tumalikod na para umalis.
"Thank you." Bulong ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...