Epilogue
-*- Riyan -*-
Pinapanood ko siya mula dito sa malayo. Naka-talikod siya sa gawi ko kaya ay hindi ko makita ang mukha niya.
Naka-tayo siya sa harap ng puntod ko. Kanina pa siya nandyan. Hindi ko nga alam kung may kasama ba siya o wala.
"Kyle, pwede ba kong lumapit sa kaniya?" Tanong ko nang hindi siya linilingon.
Narinig ko ang buntong hininga niya kaya ay nakaramdam ako ng kaba.
Simula ng sumama ako kay Kyle ay walang nag-bago. Pareho pa rin kaming nakaka-ramdam ng mga emosyon.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Ano namang gagawin mo kapag lumapit ka sa kaniya?" Malamig na aniya.
Hinarap ko siya at nginitian. "Kunwari ka pa, gusto mo din namang makita ng malapitan yung kapatid mo." Tinapik ko siya sa braso. "Aminin mo na kasi, miss mo na rin si Tres. Kuya Kyle.." pagka-sabi ko non ay tinalikuran niya ko kaya ay natawa ko.
"Lalapit ako sa kaniya, Kyle. Samahan mo ko." Hinila ko siya sa braso para hindi na siya umangal.
"Dito na lang ako. Lapitan mo na siya." Walang reaksyon sa mukha niya.
Gaya ng sabi niya ay lumapit ako kay Tres. Halos nasa likod niya lang ako.
Masaya ko na makita siya. Isang taon na rin simula nung iniwan ko siya.
At sa buong taon na yon ay si Kyle na ang kasama ko. Lagi ko ng kasama si Kyle kahit saan. Lagi na rin akong nag-tatanong sa kaniya kung ano bang dapat kong gawin.
Nakakatakot na kasing gumawa ng mali, baka may masaktan nanaman ako.
Kahit papaano ay na-miss ko yung boses ni Tres.
Gusto kong maging masaya siya. Gusto kong makita yung ngiti niya.
Natatakot akong banggitin ang pangalan niya.
Maririnig niya ba ko?
"Hindi ka niya maririnig, Riyan." Bulong ko sa sarili ko.
Gusto kong subukan. Isang beses lang.
"Tres."
Lumingon siya sa gawi ko at nag-simula nang pumatak ang mga luha ko.
"Hindi ka na niya nakikita, Riyan." Ani Kyle na nasa likod ko na.
Alam ko, Kyle.
~*~
-*- Tres -*-
"Tres."
Lumingon ako at nakita ko si Mama. Lumapit ako sa kaniya.
"Are you done?" Naka-ngiting aniya.
"Sorry, ang tagal ko ba?" Tanong ko pabalik at natawa na lang kami pareho.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yon, pero narinig ko si Riyan.
Pero imposible. Sinisimulan nanaman ba ko ng ilusyon ko?Nah, hindi ko na hahayaang mangyari ulit yon.
Siguro nga ay guni-guni ko lang yon.
"Son, I'm so happy for you. But for now kailangan na nating mag-madali. Late na tayo sa kasal ng bestfriend mo." Naka-ngusong aniya.
Inakbayan ko siya at ngumiti. "Ma, mas excited ka pa siguro kay Kiko."
"Ofcourse! He's your bestfriend and he's getting married. Ikaw kasi ayaw mo pang mag-pakasal." Kinurot niya ko sa tagiliran.
Gusto kong makita ni Riyan na masaya ko ngayon, and I want her to be happy, too.
Sana nga ay kasama niya si Kuya.
"Ma, may sasabihin ako sayong secret." Bulong ko sa kaniya.
Mabilis na nag-salubong ang kilay niya at nanlaki ang mata niya.
"Oh my..Tres! Are you gay!?" Malakas na sigaw niya.
Hindi ko napigilang matawa.
"No, I'm not. What I'm saying is, plano kong mag-propose after ng wedding ni Kiko." Naka-ngusong sabi ko.
Napa-takip siya ng bibig niya at sa pangalawang beses ay nanlaki ang mga mata niya.
How cute, Ma.
Nangilid ang luha sa mata niya kaya ay medyo nataranta ko.
"What now, Ma? You're scaring me." Hinaplos ko ang likuran niya.
Marahan niyang pinunasan ang mga luhang yon saka siya tumingin sakin.
"I'm really happy for you, Tres. And I hope your Kuya, too. Sayang nga lang ay pareho na silang wala ni Riyan." Aniya pa.
I can feel it, Ma. Both of them, they are happy for me.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko saka ako yinaya.
"I can't wait, son. Sa tingin ko ay masu-surprise siya sa gagawin mo." Masayang sabi niya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.
Maybe I'm just excited.
Napa-ngiti na lang ako sa kawalan.
Thank you for everything, Riyan.
Hindi nga siguro ikaw yung para sakin. And I want you to know, I've already found that someone.
I won't forget anything, Riyan.
At mananatili ka na lang na isang alala sa buhay ko.
~*•*~ THE END ~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...