Twelfth
-*- Riyan -*-
Isang araw na lang bago mag-sabado. Hindi ako mapakali nang pumayag ako sa alok ni Tres.
Alam kong sa pag-payag ko na yon ay mas lalo ko lang pinapa-lala ang sitwasyon.
Pero may parte sakin na wala naman masama kung susubukan ko.
Wala naman sigurong mangyayari. Sasamahan ko lang naman siya. Yun lang.
Sana maintindihan mo ko, Kyle.
Ayokong isiping inaabuso ko si Kyle. Pero ganon na yung ginagawa ko. Ilang beses niya na ko pinag-bibigyan na gawin yung tama pero sa huli ay yung mali pa rin ang pinipili kong gawin.
Ang tanga ko di ba? Alam ko kung ano yung tama pero mas pinipili ko yung mali.
"Mukhang malalim nanaman yang iniisip mo.." biglang sulpot ni Kyle.
Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko man lang napansin.
Nakaramdam ako ng saya dahil kinakausap na niya ko.
"Iniisip ko...kung pano at kailan ako sasama sayo." May halong lungkot na sabi ko.
"Pag-isipan mo ng mabuti.." naka-ngiti niyang sabi. "Sana...gawin mo na kung ano yung dapat. Kasi Riyan, nahihirapan na din akong hintayin ka.." tumingin siya sa gawi ko at nag-tama ang tingin namin. Gusto sanang umiwas kaso ay hindi ko nagawa. "Kasi habang tumatagal ay mas ginugusto mong kasama siya. Nakakalimutan mo ko, Riyan."
Napa-yuko ako at naramdaman ko na lang na pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. "Nahihirapan akong hintayin ka pero hindi ibig sabihin non ay titigil akong mag-hintay." Tumingala ako para makita ang emosyon sa mukha niya.
Naka-ngiti siya sakin. At alam kong hindi yon totoo. Hindi ko magawang mag-salita. Ayokong may masabing hindi maganda.
"Wag ka mag-alala. Kahit ilang beses mo pa siyang piliin ay mag-hihintay pa rin ako hanggang sa dumating yung araw na ako na yung pipiliin mo. At alam kong dadating din yung araw na yon." Yun na yung huli niyang sinabi at iniwan niya na ko mag-isa.
Nakakapang-hina. Bakit ganito?
~*°*~
-*- Tres -*-
Sabado..
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan ko siya ipapasyal kaya ay dinala ko na lang sa isang maliit na park. Medyo malapit lang sa village.
Sabay kaming nag-lalakad pero may pagitan. Kapag napapa-lapit ako sa kanya ay dumidistansya siya. Parang ayaw niyang dumikit sakin. Kaya ang ginawa ko ay ako na ang kusang lumalayo.
"Tres.." banggit niya sa pangalan ko kaya mas na-dagdagan yung kaba ko.
Tumingin ako sa kanya at naka-tingin na pala siya sakin. "Bakit? Na-iinip ka na ba?" Tanong ko at agad naman siyang umiling.
"Gusto ko lang itanong." Nag-iwas siya ng tingin pero naka-tingin pa rin ako sa kanya. "Bakit mo ko yinayang lumabas? Alam kong friendly lang 'to, pero bakit? Anong dahilan mo para yayain ako?"
Natigilan ako don. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit. Nagulat na lang din ako nang yayain ko siya.
Nako Tres, imposibleng walang dahilan. Kahit saang anggulo mo tignan, meron at meron yang dahilan.
"I want to spend some time with some one, yung makaka-usap at yung makikinig." Sagot ko.
Nakita ko sa reaksyon niya na hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
Nag-buntong hininga ko. Totoo naman na gusto kong may maka-usap at makinig sakin. Pero hindi lang naman yon.
Pano ko ba sasabihin? Hindi ko din kasi maintindihan. Hindi ko kasi alam yung isasagot ko kapag tinanong niya ko kung 'bakit siya'.
"Riyan.." huminto ako sa pag-lalakad at ganon din siya. Medyo nasa unahan ko siya kaya hindi ko nakikita yung mukha niya. "I like you, maybe. But I think, hindi lang yon basta gusto."
Seryosong sabi ko.
Siguro dito talaga bumabagay yung katagang..
Bahala na.
~*•*~
A/N: laging humuhugot si Kyle, kainis xd haha
Kamusta kayo? Haha naiintindihan niyo pa ba yung flow?
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...