Thirty-Third
-*- Riyan -*-
Nung isang araw ay lumabas ako para sana kausapin si Kyle pero hindi naman siya nagpa-kita sakin. Kaya ay pinuntahan ko na lang si Mama't Papa. Medyo natagalan ako kaya nag-madali akong umuwi dahil baka iba ang isipin ni Tres kapag wala ako sa bahay. Pero nung maka-uwi ako ay naka-uwi na pala siya.
At ngayon nandito ko sa field ng school.
"Bakit nandito ka?" Tanong niya. Napa-ngiti ako saka ko siya nilingon.
"Kasi alam kong pupunta ka din dito." Sagot ko sa tanong niya.
Lalapit sana ko sa kaniya kaya lang ay natigilan ako nang makita ko ang inis sa mata niya.
"Ang ibig kong sabihin ay bakit mo pa kailangang pumunta dito? Hindi pa ba sapat na kasama mo siya lagi?" Mahinahon niyang sabi pero naka-ramdam ako ng kaba.
"Kasi gusto ko siyang bantayan, Kyle. Ikaw, bakit ka nandito? May binabantayan ka rin ba?" Inosenteng sabi ko.
"Nandito ako dahil sayo, binabantayan kita kasi wala akong tiwala sayo. At kapag nakikita mo ko ay gusto ko na lagi mong maalala na malapit na tayong umalis." Akmang tatalikuran niya ko pero hinila ko siya sa braso.
"Bakit ba, Kyle? Sabihin mo na lang sakin hindi yung papahirapan mo ko ng ganito!" Inis na sabi ko.
"Sa tingin mo hindi ako nahihirapan sa ginagawa ko? Don't worry, Riyan. Malapit ka lang sa sagot na hinahanap mo. Wag mo nang pahirapan yung sarili mo." At sa isang iglap ay nawala na lang siya sa harap ko.
Anong klaseng sagot ba ang mahahanap ko? At talaga bang may hahanapin ako o nahanap ko na? Ano ba?
~*•*~
-*- Tres -*-
Nakita ko si Riyan sa field. Mukhang may problema siya at salubong pa ang kilay niya.
"Tres, sama ka ba?" Tanong nung kapatid ni Kiko.
"Saan ako sasama?" Tanong ko sabay nginitian ko siya. Napa-sabunot siya sa buhok niya at hindi ko alam kung bakit.
"Kanina pa ko nag-sasalita dito tapos hindi ka pala nakikinig." Sarkastikong aniya at natawa na lang si Kiko.
"Kasi wala naman siyang pakialam sa sinasabi mo, kapatid. Ganyan yang si Tres. Bingot kasi yang bwiset na yan." Asar na sabi niya kaya natawa naman yung kapatid niya at ako? Bingot ako? Anong bingot?!
"Anong bingot sinasabi mo dyan?" Kunot noong tanong ko.
"Wala, Brad! Basta bingot ka!" Sabi niya pa at nauna na silang mag-lakad.
Nang lingunin ko yung pwesto ni Riyan kanina ay wala na siya doon.
Nalingat lang ako ng sandali tapos nawala agad siya?
Sinubukan ko pa siyang hanapin sa paligid pero hindi na siya nahagip N mata ko.
Lagi ka na lang nawawala. Akala ko nung sinabi kong wag kang aalis ay akala ko may mababago, pero bakit parang mas lalo atang mahirap ka nang hanapin ngayon?
Ganon din ba kahirap yung hinihingi ko?
Mahirap bang pagbigyan yung gusto ko?
O sadyang ayaw niyang gawin?
Ano ba, Tres? Ano ba kayo para mag-tanong ka ng ganyan?
Ano nga ba ko sa kaniya?
Bakit ko ba iniisip yon?
Iba na talaga yan, Tres.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...