Nineteenth
-*- 3rd Person -*-
Lumapit ang matanda sa binata nang may malakas na ngiti sa labi.
Ngumiti rin pabalik ang binata.
Pareho silang nakatanaw sa labas. Na ani mo'y may hinihintay na bisita. Pero ang totoo ay wala pang balak na pumunta ang isang iyon.
"Masyado kang mabait sa kanya." Ani ng matanda habang naka-ngiti pa rin.
"Alam ko po. Sadyang hindi ko po mapigilan." Naka-yukong sabi ng binata at may lungkot sa tono nito.
"Hindi ko akalain na katulad niya ay magmamahal ka sa lagay na ito. Sa pagkaka-alam ko ay ngayon lang nangyari sa iyo ito." Tumango ang binata na tila sumasang-ayon siya sa sinabi ng matanda. "At nagkataon pang siya ang una niyang nakilala at minahal." Dagdag pa ng matanda.
Hindi alam ng binata kung siya ba ay maiinis sa sarili niya o magagalit.
Sa t'wing naiisip niya ang ginawa para dalaga ay hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit. At sa isip niya ay kahit na sa ganitong lagay ay ang masaktan ay parte ng pag-mamahal.
Ngunit sa kabilang Banda ay naiisip niyang hanggang kailan niya ito gagawin. Hanggang kailan niya titiisin. Hanggang kailan siya mag-bibigay.
"Bilib ako sayo, Kyle. Hindi mo pinairal ang kadamutan. Ngunit sa pag-mamahal mong yan ay sarili mo naman ang sinasaktan mo." Seryosong sambit ng matanda. Humahanga siya sa binata dahil kinaya nito ang ganitong sitwasyon. Samantalang siya ay hindi niya ito nagawa noon. Dahil kaduwagan ang umiral sa sistema niya noon.
"Bilib kayo sa akin, pero ako mismo sa sarili ko ay awang awa na ko. Hindi ko maintindihan. Gusto ko siyang angkinin ngunit hindi ko magawa dahil natatakot akong sa paraang iyon ay masasaktan ko siya." May luhang gustong kumawala sa mata ng binata ngunit pinigilan niya ito.
"Mas iniisip mo kasi ang mararamdaman niya. Iniingatan mo siya ng palihim, sa paraang iyon ay sinasaktan mo ang sarili mo at nasasaktan ka niya ng hindi niya alam." Ngumiti ng bahagya ang matanda.
Nag-angat ng tingin ang binata upang makita ang matanda. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Ang maipapapyo ko lang sa iyo ay gawin mo kung ano ang tama. Kahit na may masaktan pa ay piliin mo pa rin kung ano ang makaka-buti." Tinapik ng matanda ang balikat ng binata saka iniwan ang binata na mag-isa.
Halos manlumo ang binata sa sinabi ng matanda dahil sa sarili niya ay hindi na niya alam kung ano ba ang tama.
Dahil sa pananaw ng binata ay may tama na makaka-buti at may tama na nakakasakit. At may mali na papatay sayo.
Nag-tungo ang binata kung saan sila madalas na pumupunta ng dalaga.
Napa-ngiti ito nang mapait nang mapagtanto niyang gusto niyang makita ang dalaga.
Tumingala ito sa langit at bumulong.
"Sa pagkaka-alam ko ay sa lagay na ito ay dapat pareho kaming walang nararamdaman. Pero bakit ganito?" At doon lang bumagsak ang luhang kanina pa gustong kumawala.
"Kahit ang emosyon na 'to ay hindi ko dapat nararamdaman." hinayaan niya lang ang pag-bagsak ng luha sa mata niya. "Kahit ang mga luhang 'to ay dapat hindi tumutulo. Pero bakit?"
Hindi ito ang unang beses na umiyak ang binata sa halip ay ngayon niya lang napuna ang mga bagay na hindi niya dapat nararadaman.
Ang masaktan. Hindi niya dapat iyon mararamdaman ngunit dahil nag-mahal siya ay hindi na siya makakawala.
~*•*~A/N: natutuwa ako kasi na-eexpress ko yung feels ni Kyle yie! Haha.
Pero seryoso, hindi magulo yung flow ng story? O sobrang gulo?
Btw, atat na atat akong mang-spoil sa story na 'to kaso ayokong sirain yung nasa isip niyo about sa story na 'to. Haha!
Thankies guyseu!
BINABASA MO ANG
All Alone
Ficção AdolescenteNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...