Thirty-Eighth

11 3 0
                                    

Thirty-Eighth

-*- Riyan -*-

Nang marinig ko ang yapak ng mga paa ni Tres ay agad kong binitawan ang frame at mabilis ko pinatay ang ilaw at nag-tago sa gilid ng drawer.

Nang pumasok siya sa loob ng kwarto niya ay hindi niya binuksan ang ilaw kaya kumalma ko kahit papano.

Hindi ko siya nakikita gawa ng dilim.

Naramdaman ko ang pag-lapit niya sa pwesto ko at mukhang dinampot niya yung frame na hawak ko kanina.

Tumawa siya ng marahan at bumalot sa loob ng kwarto niya ang ingay na gawa ng pag-hilata niya ng biglaan.

"Kuya.." bulong niya. "Graduate na ko bukas at alam mo ba kung anong pakiramdam?" bakas sa tono niya ang sobrang galak.

Naramdaman ko muli ang luha sa pisngi ko.

"Kuya masaya ko. Kahit na wala ka dito, wala sila Mama..masaya pa rin ako kasi kasama ko siya." ang lalim ng pag-hinga niya ay nag-dulot sakin ng takot.

"Magpa-patulong sana ko sayo kaso wala ka naman dito. Balak kong sabihin sa kaniya yung nararamdaman ko, kaso pinapangunahan ako ng takot." tumawa siya ng ilang saglit.

"Na-iisip ko nga na kung nandito ka, hindi malabong magustuhan mo din siya." patuloy niya pa.

Nangyari na Tres.

"Kuya..alam mo yung time na iniwan mo ko? Akala ko yun na yung pinaka-nakakatakot na pangyayari pero hindi.." bahagyang nanginig ang boses niya. "Kapag nawawala siya sa paningin ko ay natataranta ko. Kapag hindi ko siya nakikita ay parang mababaliw ako."

Mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga binitawan niyang salita.

At nang tumigil siya sa pag-sasalita ay parang katapusan na ng lahat.

Gusto kong marinig ang boses niya. Kahit sa ilang minuto na lang.

Tres, kung pwede lang siguro na dito lang ako ay hindi na ko aalis. Kaso mali.

"Hindi ko nga alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Nakaka-takot." mahinang tono ang gamit niya at bakas doon na gusto na niya matulog.

Nag-hintay ako ng ilang minuto bago umalis sa pwesto ko.

Sa oras na lumabas ako sa kwartong 'to ay tapos na ang lahat.

Sa oras na itapak ko ang paa ko palabas ay hindi ko na siya maka-kasama.

Sa oras na piliin ko si Kyle ay hindi na niya ko makikita.

At sa oras na gawin ko ang tama ay hindi na siya mahihirapan.

Ramdam kong tulog na siya. Lumapit ako sa switch at sinindihan ang ilaw.

Nasilayan ko ang mukha ni Tres na ma-amo. May luha sa gilid ng mata niya.

Dahan dahan ko yong pinunasan. Masakit na makita siyang ganyan. Pero hindi lang doble kundi sobra ang sakit na ibibigay ko sa kaniya.

Kung tutuusin ay wala akong karapatan na masaktan dahil ginusto ko 'to pero bakit hindi ko maiwasan?

Ilang saglit kong pinag-masdan ang mukha niya.

Kyle, kamukha mo siya.

Ngumiti ako ng mapait.

"Pasensya ka na, Tres. Hindi ako yung para sayo. Maraming iba dyan na mas higit sakin. At kung sino man siya ay sigurado ako na hindi ka niya iiwan." bulong ko sa kaniya bago ko tuluyang lisanin ang kwarto niya.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

Tapos na lahat.

~*•*~

A/N: ilang chapters na lang then epilogue na then bang tapos na! T_T if ever, ito yung story na una kong makukumpleto haha
Thank you!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon