Twenty-Third

20 3 1
                                    

Twenty-Third

-*- Tres -*-

Tatlong araw bago ang ball.

Ano pa bang bago?

Hindi ko pa rin siya niyayaya. Parang tanga talaga diba? Nakakainis.

Nawawalan ako ng pag-asa. Tsk! Kabadingan!

Halos isang linggo kong hindi pinansin si Riyan at kung kakausapin ko siya at konti lang ang lumalabas sa bibig ko.

Akala ko sa paraang yon ay mababawasan ang pressure na nararamdaman ko pero hindi, mas lalo lang nadagdagan. At kung isasama mo pa yung katotohanang may tatlong araw na lang ako para yayain siya, mas lalo akong kinakabahan.

May tatlongpung minuto pa ko bago pumasok.

Gaya ng dati ay nasa tapat ulit ako ng salamin. Huminga ako nang malalim nang biglang tumunog ang phone ko.

Si Kiko, tumatawag.

Sinagot ko ito at umupo sa bandang dulo ng higaan ko.

["Brad! Goodmorning!"] Malakas na bati niya kaya ay nailayo ko nang bahagya ang phone sa tainga ko.

"May kailangan ka?" Asar na sagot ko. At narinig ko na tumawa siya sa kabilang linya.

["Tres. Ikaw ang may kailangan, hindi ako. Nakalimutan ko kasi nung nakaraan."] Natatawa pa rin siya. ["So, ano bang gusto mong sabihin?"] Kaswal na sabi niya pero na-aasar ako.

Tsk! Naalala niya pa pala. Nag-buntong hininga na lang ako.

"W-wala pa kong date." Kabadong sabi ko. Akala ko ay tatawanan niya ako pero hindi. Narinig ko ang boses niya na sobrang nag-tatakha.

["Seryoso ka ba, Tres? Baka naman linoloko mo lang ako--wait! Baka naman gumagawa ka ng palusot para di ka maka-punta sa ball."] Bakas sa tono niya ang pagiging seryoso.

"Seryoso ako, wala pa talaga." Nasapo ko ang noo ko dahil naramdaman ko nanaman ang frustration.

Ilang segundong natahimik si Kiko at maya-maya ay narinig ko ang pag-tawa niya.

["Brad. Sakto lang pala na tinawagan kita. So, anong gusto mong ituro ko sayo."] Sarkastiko ang tono niya.

"No need. I just...need to practice.." nahihiyang sabi ko at dahil doon ay tinawanan niya ako.

["Tres? Ikaw ba yan? Anong practice yang sinasabi mo?] Rinig ko ang pagpi-pigil niya ng tawa.

Kita mo na yang munggo na yan, imbis na tumulong ay pag-tatawanan pa ko.

"Practice your face." Iritadong sabi ko at binaba ko na ang linya. Naiinis lang ako sa boses niyang si Kiko.

Humarap na ulit ako sa salamin at pinag-patuloy ang ginagawa ko kanina.

"You are just going to ask her, keep that in mind. Hindi naman siya mangangain kaya bakit ka kinakabahan?" Sabi ko habang pinag-mamasdan ang repleksyon ko.

Maybe I'm just stupid. Ilang beses kong sinubukan na yayain siya pero lahat ay na-uuwi sa walang kwenta.

"Fine. I'll do it." Tumayo na ko at direstong lumabas sa kwarto at kasabay non ay ang nag-labas din ni Riyan sa kwarto niya.

Nanlamig ako. Napa-tingin siya sakin at ngumiti.

"Hi, Tres. Okay ka lang?" Naka-ngiting aniya.

Napa-lunok ako. Hindi ako makagalaw.

Akmang lalapit siya sakin nang biglang kusang gumalaw ang mga paa ko at mabilis na pumasok pabalik sa kwarto ko.

Napa-hawak ako sa dibdib ko. Hingal na hingal ako samantalang ilang habang lang ang ginawa ko.

What's wrong? Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging ganito ako sa harap niya.

~*•*~

A/N: nakakainis si Tres ahe xd pakipot pa.

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon