Thirty-Sixth

13 3 1
                                    

Thirty-Sixth

-*- Riyan -*-

Mabilis na lumipas ang araw. Tatlong araw na lang at aalis na ko.

Hindi ko pa rin nahahanap yung sagot na kailangan ko. Ilang araw ko ding hindi nakita at naka-usap si Kyle.

Maski sa school ay hindi na ko pumupunta.

Hindi ma-alis sa isip ko ang sinabi ni Yani.

Hindi ko akalaing alam niyang nandito ako.

Kung ganon ay hindi niya pa sinasabi kay Tres.

Magdamag akong nasa bahay. Inikot ko ang buong bahay pero wala naman akong nakitang interesadong bagay kahit isa. Maliban sa kwarto ni Tres.

Natatakot ako.

Mamaya pa ang uwi ni Tres. Medyo naging busy na din siya dahil ilang araw na lang at graduation na.

Hindi ako mapakali dito sa bahay.

Kahit pigilan ko pa yung sarili ko ay alam kong gusto kong makita si Tres.

Posible din namang pumunta din si Kyle. Sigurado ako.

Nang marating ko ang gate ng school ay nagsi-labasan na ang mga tao.

Mukhang mga lower year ang mga 'to.

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Yani sa may guard house.

Naka-tingin siya sa direksyon ko.

Nakita niya ko?

Ngumiti siya at kumaway. Akala ko ay para sakin yon pero hindi.

"Kiko! Ang tagal mo naman. Nainip na si Tres kaya na-una na siya sa gym." masayang aniya.

Sinalubong niya si Kiko at nilagpasan niya lang ako.

Ano yon? Nakita niya ba talaga ko?

Sinundan ko silang dalawa. Papunta sila sa gym. Nandoon na siguro yung mga 4th year.

Napa-buntong hininga na lang ako nang ma-realize kong dapat pala kasama nila ko. Kaso hindi na pwede.

Pumasok sila sa loob at akmang papasok din ako nang biglang may humila sakin.

"Anong ginagawa mo?" walang ekspresyon ang mukha niya.

"Tama lang na pumunta ko dito, Kyle. Nandito ka din. Marami akong gustong itanong sayo pero kailangan ko munang mahanap yung sagot."  sabi ko sa kaniya nang naka-ngiti.

Hinila niya ko palayo sa gym.

"Aalis na tayo." malamig na aniya.

"Kyle, tatlong araw na lang. Hayaan mo muna ko." paki-usap ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Riyan, please. Just listen to me. We need to go." nanginginig ang boses niya. "Kahit ngayon lang, Riyan. Ako naman yung piliin mo. Kasi puro na lang si Tres." humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Ako naman, Riyan."

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang kapit dito.

"Riyan, don't." pag-tutol niya.

Inalis ko ang kamay niyang naka-hawak sa kamay ko. Akmang tatalikuran ko siya nang habulin niya ko at yakapin.

"Kyle, bakit?"

Bakit mo ko pinipigilan?

"Natatakot ako na habang buhay siya na lang ang piliin mo. Kasi Riyan, alam ko naman na wala akong lugar dyan sa puso mo. Natatakot ako kasi nasa kaniya na lahat." halos bulong na niyang sabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit naaawa ako sa kaniya. Maski naman sa sarili ko ay naaawa ako.

Alam kong wala ng pag-asa pero nag-pumilit akong makasama si Tres.

"Kyle, just give me this time. Pagka-tapos naman nito ikaw na yung pipiliin ko. Habang buhay mo na kong maka-kasama. Yun lang, Kyle.."

Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag-kalas sa yakap at bigla na lang siyang nawala sa paligid.

~*•*~

A/N: off haha xd nawala sa isip ko yung takbo ng story na to pero okay lang, patapos naman na siya haha

Thank you!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon