Twenty-Second
-*- Tres -*-
"Brad! Anong ganap?" Bungad ni Kiko pag-pasok ko sa court. Practice nila ngayon at hihintayin ko siya dahil may aayusin pa kami sa office.
Medyo pressured ulit ako. Dalawang linggo na lang at magaganap na ang ball.
"May kailangan ka sakin noh?" Mapang-asar na sabi niya.
Well, yes. May kailangan talaga ko sa kanya. Kasi kung wala ay kanina pa ko nasa office.
Tinapik niya ko sa balikat. "Pag-usapan natin yan mamaya." Tamakbo siya papunta sa gitna ng court at narinig ko pa ang tawa niya.
Kaya ayokong humingi ng tulong sa kanya. Kasi alam kong pag-tatawanan niya ko.
Tss. Palibhasa ay may date na siya. Kung tutuusin ay effortless pa nga ang ginawa niyang pag-yaya kay Yani, napa-payag niya agad.
Eh ako? Wala!
Sa t'wing nakaka-harap ko siya ay hindi ko maibuka ang bibig ko.
Nawawala yung gusto kong sabihin.
At higit sa lahat ay natatakot ako.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi ko na siya dapat yayain.
Hindi ko na hinintay na matapos ang practice nila Kiko. Instead, nauna na kong pumunta sa office.
Nakaka-inip.
"Oh?" Si Yani. "Hi, Tres. Si Kiko? Himala ata, hindi kayo mag-kasama." Natatawang sabi niya.
"Ah. Hindi ko na siya hinintay." Tipid na sagot ko at nakita ko ang pag-tango niya.
Kapag nakikita ko si Yani ay hindi maiwasang maisip yung notebook na binigay niya.
Ayoko ko namang itanong dahil baka isipin niyang big deal yon sakin. Tho, totoo naman.
And ang weird lang nung pumayag siyang maging date ni Kiko. I was expecting na si Lance na ang date niya but suddenly parang nagiging close sila ni Kiko after that day na unang beses silang nag-usap.
Hindi naman sinasabi sakin ni Kiko yung tungkol don. Inisip ko na lang na tungkol yon sa personal na topic.
Pero bakit? Masyado bang personal yon para silang dalawa ang magka-intindihan? Nevermind.
Lumipas ang isang oras at nagsi-datingan na rin ang ibang officer pati na si Kiko kasama si Lance.
"Since, kumpleto na tayo. I would like to remind you guys, two weeks na lang at pop! Ball na!" Excited na sabi ni Yani at nag-hiyawan naman ang mga babaeng kasama namin dito sa office.
"Nakaka-excite, right?" Ani Yani.
Lahat sila ay nagsi-sagutan ng 'yes'.
"And I guess, lahat tayo ay may date na." Sarkastikong sabi pa ni Yani.
I don't have any, remember? Ni hindi ko pa nga natatanong.
"So guys, I'm expecting na lahat ng officers ay pupunta sa event." At bago pa ko maka-iwas ng tingin ay bumaling na siya sakin at ngumisi. "Especially you, Mr. Dela Rosa."
Wala akong kawala. Tsk!
"Yeah, I'll go." Sabi ko na lang kahit na hindi ko pa sigurado kung pupunta ba ako.
Tumango si Yani at muling ngumiti. At sa hindi ko malamang dahilan ay mas lalo akong kinabahan.
Tinignan ko ulit si Yani at naalala ko yung notebook. Gusto kong malaman kung para saan yon.
"May sasabihin ka pa ba, Tres?" Tanong niya pa. Umiling na lang ako at ngumiti ng bahagya.
Yayayain ko na sanang umuwi si Kiko nang bigla naman siyang mag-salita.
"Brad, mauna ka na. May gagawin pa ko." sabi niya.
May gagawin? O mag-uusap ulit sila ni Yani?
"Fine." Tipid na sagot ko at nag-paalam na akong aalis.
Eto nanaman. Uuwi nanaman ako. Makikita ko siya. Po-problemahin ko oa kung pano ko siya yayayain. Mag-mumukhang tanga nanaman ako sa harap niya.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...