Twenty-Eighth

21 3 1
                                    

Twenty-Eight

-*- Riyan -*-

Tatlong araw akong hindi umuwi. Ngayon ay nandito ako sa loob ng village. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa bahay o hindi.

Dahil natatakot ako sa mga susunod na mangyayari.

Ang iba sa mga tao ay nag-lilinis ng kani-kanilang bahay.

Oo nga pala, noche buena na mamaya at pasko na bukas.

"Si Lola kaya? Kamusta na siya." Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit hindi mo puntahan para malaman mo?" Sabi niya mula sa likuran ko. Si Kyle. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya niya.

Umiling ako sa sinabi niya. Nami-miss ko na si Lola at gustong gusto ko na siyang puntahan pero kapag umalis ako dito ay walang kasama si Tres.

Sabay kaming nag-lalakad ni Kyle. Hindi na lang ako sumagot at natahimik na lang habang nag-lalakad.

"Riyan.." banggit niya sa pangalan ko kaya ay napa-tingin ako sa kaniya. Ngumiti ako. "Hmm?"

"Kung ako sayo ay wag ka nang bumalik sa bahay na yon...pakiusap." ramdam ko ang tono niya at hindi iyon tono ng pamimilit. Nagmamakaawa siya.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mapa-isip. Dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit gusto niyang mapalayo ako kay Tres.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Kyle, I'm very sorry. Pasensya ka na hinihintay kasi ako ni Tres. Mauna na ko." Sabi ko at nginitian ko pa siya ulit.

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kaniya yon pero alam ko sa sarili ko na gusto kong makasama si Tres.

Mali na kung mali. Ang gusto ko lang naman ay makasama siya hanggat nandito pa ko. Ayokong sayangin ang oras.

Iniwan ko si Kyle at bumalik sa bahay.

Kahit natatakot ako sa nangyari ay hahayaan ko na lang. Hindi naman na siguro mangyayari yon

Pag-pasok ko ay malinis ang unahang parte ng bahay pati na ang garden. Tumuloy ako sa loob at maayos ang mga gamit malinis at kumikintab ang sahig. Pati ang mga kurtina na laging naka-sara, ngayon ay naka-tali kaya ay pumapasok sa loob ng bahay ang liwanag mula sa araw.

Ang ganda. Sana ay dito na lang ako habang buhay. Sana..

Hindi ko nakita si Tres sa living room, wala rin siya sa Kitchen.

Baka naman natulog siya pagka-tapos niyang mag-linis.

Umakyat ako sa itaas at nag-tungo sa tapat ng kwarto ni Tres.

Napansin kong may listahan sa pinto ng kwarto niya.

To do list:
1. Preparation for this month's event. √

2. Kiko. X

3. Ask her to be my date. X

4. Attend the Ball. √

5. Enjoy. X

6. Clean the house. √

7. "Puntahan si Kuya." - Mama

8. "Tawagan mo ako bukas, anak." - Mama

9. Ask her again of she wants to go out.

10. Celebrate Christmas and New year with Kuya.

11. Graduation.

May kapatid si Tres? Bakit hindi ko alam? Hindi naman din nababanggit sakin ni Lola. Baka naman broken family sila?

Pero sa kabilang Banda ay hindi ko alam pero nag-sisisi akong binasa ko pa yung listahan.

Graduation. Aalis na ko.

Tuloy na talaga.

~*•*~

A/N: HAHA hello! Susulitin ko na ang pag-aupdate since nabawasan na ang school works haha

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon