Eleventh

22 6 1
                                    

Eleventh

-*- Riyan -*-

Hindi ako pumunta sa school ngayon. Gusto ko munang iwasan si Tres.

Tama si Kyle.

Natatakot ako na baka hindi ko siya maiwan. Natatakot ako na masaktan ko si Kyle.

Pupunta ulit ako ngayon sa lugar kung saan kami madalas pumupunta ni Kyle.

Hanggat hindi ko siya nakaka-usap nang maayos ay hindi ko siya titigilan.

"Kyle.." tawag ko sa kanya nang makita ko siyang naka-upo sa isang bench.

Hindi niya ko nilingon kaya ay tumabi na lang ako sa kanya.

"Kyle, miss na kita. Kausapin mo na ko, please.." naka-yukong sabi ko. Hindi siya umimik.

Tumayo siya kaya ay tumayo din ako. "Hindi kita kayang tiisin..kahit na masakit para sakin hindi ko magawang hayaan ka..nasasaktan ako kasi hindi mo ko kayang piliin pero ginagawa ko lahat ng 'to kasi gusto kong makita mo kung anong kaya kong gawin para sayo.." huminga siya ng malalim. "Pag-bibigyan kita, Riyan. Pero sa susunod ay gaya ng sabi mo, isasama na kita kahit anong mangyari." Humarap siya sa gawi ko at nginitian ako.

Ngumiti rin ako at yinakap siya. Siya ang unang kumalas.

"Umuwi ka na. Hinihintay ka niya." Hindi ko matukoy kung anong dating nag pagkaka-sabi niya. Pero sa isip ko ay sarkastiko ko yon.

"Kyle, bakit?" Naramdaman ko ang pag-kunot ng noo ko. "Alam mong masasaktan ka, pero bakit hinahayaan mo lang?"

Tumingala siya sa langit. "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan? Alam mo na sa ginagawa mo ay masasaktan ka, pero bakit mas pinili mo siya?"

At sa pangalawang beses at napa-yuko na lang ako. "Kasi.."

"Riyan, kung ano man yang dahilan mo ay sigurado ako na pareho lang tayo.." pagka-tapos niyang sabihin yon ay iniwan na niya ko.

Ibig sabihin ay mahal mo ko, Kyle. Yun ba?

Kung madali ang pag-pili, malamang ay ikaw ang pipiliin ko, Kyle. Pero hindi madali, kasi nandyan si Tres.

~*°*~

Kakatapos ko lang mag-linis ng bahay nang dumating si Riyan.

"Riyan, pupunta ba si Manang sa graduation?" Bungad ko sa kanya. At literal na natigilan siya sa pag-lalakad.

"H-hindi ko alam." Nag-aalang sabi niya.

Ngumiti ako. "Uuwi sila Mama dito sa graduation. Kung gusto mo ay ipapasundo ko si Ma--"

"Wag na." Pigil niya sakin. Medyo nagulat ako kasi malakas yung pagkaka-sabi niya. "S-sige un-una na ko sa taas." Nag-madali siyang umakyat sa taas.

Nanood na lang ako sa TV at hindi na ko nag-aksaya ng panahon para mag-isip ng kung ano.

Sa sumunod na araw ay sunod sunod kong na-aabutan si Riyan na nasa bahay. At madalas ay lagi na kaming sabay kumakain.

"Bakit parang ang saya ng ngiti mo?" Panimula niya.

Medyo kinabahan ako sa tanong niya.

"Kasi kasama kita." Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko kaya ay mas lalo akong napa-ngiti. "May gagawin ka ba sa sabado?"

"W-wala naman, bakit?" Hindi siya naka-tingin sakin.

"Can I ask you out?" Kinakabahang tanong ko. Natatakot akong tumanggi siya.

Hindi ko siya niyayaya na makipag-date. Ang akin lang ay gusto ko siyang makasama.

Nang ngumiti siya ay halos alam ko na ang sagot. Pero gusto ko pa ring marinig.

"Sure.." simpleng sagot niya pero malaki yung epekto sakin.

Ang tanging nagawa ko na lang ay ang ngumiti pabalik.

~*•*~

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon