Fourth

43 7 4
                                    

Fourth

-*- Tres -*-

Kasalukuyan ko siyang pinapanood sa pag-lilinis. Napapa-lingon sa gawi ko at tinatapunan niya ko ng masamang tingin.

Napansin ko lang. Napapadalas yung pag-ngiti ko.

Tumayo ako at akmang kukunin sa kamay niya yung walis pero mabilis niyang nailayo yung sarili niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya.

Bakit kailangan niya pang ilayo yung buong katawan niya? Pwede namang yung kamay lang niya ang i-iwas niya.

Sinamaan niya ulit ako ng tingin. "Anong balak mo?"

Now I know. Natawa ko sa kanya.

"Tutulungan sana kitang mag-linis kaso iniwas mo naman yung walis." Paliwanag ko.

Nag-buntong hininga siya. "Kung gusto mong mag-linis ay doon ka sa kwarto mo. Ako nang bahala dito sa baba." Ngumiti siya pero saglit lang.

Kinuha ko yung librong binabasa ko kanina at nag-tungo sa kwarto ko.

Humilata ako sa kama ko at tinitigan ang kisame.

Bakit natutuwa akong makita siya? Bawat galaw niya ay napapansin ko? Gusto ko ba siya?

Pinikit ko na lang ang nga mata ko at hindi na nag-isip ng kung ano.

Hindi ako nag-linis. Natulog ako.

~*°*~

Habang lumilipas ang panahon ay unti-unti ay nagiging malapit ako sa kanya.

Madalas na rin niya kong kausapin. Pero hindi siya tumitingin sakin, doon ako nalulungkot.

"Riyan.." tawag ko sa kanya. Nasa salas kami at sabay na nagre-review. Napa-ngiti ako nang lingunin niya ko. "Shopping tayong. Wala na tayong supply.." Yaya ko sa kanya.

At sa pangalawang beses ay nakita kong muli ang ekpresyon sa mata niya.

Nag-aalinlangan siya. Bakit?

"Ikaw na lang." Niligpit niya na yung mga gamit niya. "Tapos na kong mag-review. Goodluck sa mid-term para next week."

Ngumuso ako. Ayaw niya ba kong kasama?

"Sige. Goodluck din sayo." Sabi ko bago siya maka-akyat sa taas.

Kinabukasan...

Naabutan kong nag-luluto siya.

"Ngayon lang kita nakitang mag-luto. Mana ka kay Manang." Sabi ko at natigilan siya sa pag-hahalo sa niluluto niya. Ilang saglit ay nag-patuloy na siya ulit.

Umupo ako sa pwesto kung ako madalas kumakain. Nag-hain siya ng pagkain. Akala ko ay idadamay niya ako pero sarili niya lang ang hinainan niya.

Napa-tingin siya sa gawi ko. "May kamay na naman para ipaghain yung sarili mo. Di ka na bata, Tres." Naka-ngiting sabi niya.

Nailang ako. Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko. Para hindi niya mahalatang nailang ako ay pinaghain ko na lang ang sarili ko.

"Thank you for the food." Sabi ko nang matapos ako. Medyo marami yung nakain ko.

"Welcome." Sabi niya habang inaayos yung pinag-kainan niya.

Lunes ngayon. Wala siyang pasok. Sana pag-uwi ko ay nandito siya.

"May pupuntahan ka ba...mamaya?" Paninigurado ko na hindi siya aalis mamaya.

Napa-tingin siya sa kisame na parang may ina-alala. "Wala naman. Bakit?" Nag-patuloy na ulit siya sa ginagawa niya.

Ngumiti ako ng palihim. "Nothing." Umakyat na ko sa kwarto ko at nag-handa na para pumasok.

~*°*~

Nang maka-uwi ako ay naabutan ko siyang nanonood sa tv. Hindi nga siya umalis, hindi gaya ng mga nakaraan na halos hindi ko na siya nakikita pag-umuwi ako.

That's enough to end my day.

Hindi naman niya napansin na dumating na ko. Dumiretso na ko sa kwarto ko at nag-bihis.

Linabas ko lahat ng mga libro ko at nag-simula ng mag-review.

Hindi ko kinakabisado ang mga nababasa ko, instead iniintindi ko yon. Sinabi niya yan sakin nung unang beses kaming sabay nag-review.

Napa-ngiti nanaman ako. Hindi ko akalaing may matututunan ako sa kanya.

~*•*~

A/N: i want to know your feels about this story. Naguguluhan ba kayo? Boring? Maikli? Kahit anong opinyon (or anything) po ay tinatanggap ko.
Thank you!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon