Thirty-Fourth

10 3 3
                                    

Thirty-Fourth

-*- Riyan -*-

Simula nung yakapin ako ni Tres ay akala ko wala lang.

Pero ngayon ko lang napansin. May nag-bago.

Hindi ko alam kung dahil ba yon kay Tres o natural lang yon. Pero natatakot ako.

"Kyle!" Sigaw ko.

Please, Kyle. Kailangan kita ngayon.

Kanina ko pa siya hinahanap. Hindi siya pumunta sa school kaya ay dito ako dumiretso.

Hindi ako uuwi hanggat hindi ko nakaka-usap si Kyle. Bahala na kung ano mang isipin ni Tres, para naman sa kaniya 'to eh.

Kyle, nasaan ka ba?

"Kyle!" Isang beses pang sigaw ko.

"Anong kailangan mo?" Nilingon ko kung saan nang-galing yung boses niya.

Agad akong lumapit sa kaniya. "Anong nangyayari? Bakit ganito?" Natatarantang tanong ko.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan. Malapit na, Riyan." Nag-iwas siya ng tingin. "Posible ring mapaaga ang pag-alis natin, kaya mag-handa ka. Ano mang oras ay pwede na kong mag-desisyon kung kailan tayo aalis."

Naka-ramdam ako ng inis dahil sa mga sinabi niya. "Hindi pwede, Kyle! Napag-usapan na natin 'to! Wag naman ganito, Kyle. Wag muna ngayon, please."

May kailangan pa kong malaman.

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. "Papahirapan mo lang siya."

Nahihirapan din ako, Kyle.

Umuwi ako sa bahay at ilang oras na lang ay dadating na si Tres.

Umakyat ako sa taas at akmang papasok sa kwarto ko nang may kung anong nag-sasabi sakin na sa oras na pumasok ako sa kwarto ni Tres ay malalaman ko lahat.

Ilang segundo ko tinitigan ang pinto ng kwarto niya.

Ano bang meron sayo, Tres?

Sino ka ba?

Lumapit ako sa pinto at akmang itutulak ko na ang pinto nang...

"Riyan." Tawag niya sakin.

Natigilan ako sa balak ko.

"Hinahanap mo ba ko?" Tanong niya pa.

Humarap ako sa gawi niya at pinilit na ngumiti.

"A-akala ko nasa loob ka ng kwarto mo." Pagsi-sinungaling ko.

"Bakit? May kailangan ka ba sakin?" Ngumiti siya.

Oo, Tres. May kailangan akong malaman tungkol sayo.

"W-wala naman. Gusto lang kita kamustahin." Hindi ko alam kung bakit ako nagsi-sinungaling sa kaniya.

Mas lumawak ang ngiti niya kaya ay inalis ko ang tingin ko sa kaniya.

"I'm fine, don't worry. By the way, nandito si Kiko and Yani. Dito sila matutulog, may last project kasi kami. Magpa-plano kami para sa last event para sa mga graduating." Naka-ngiti pa rin siya.

Hanggang kailan ko makikita yang ngiti na yan?

Magagawa mo pa kayang ngumiti kapag umalis na ko?

Pano 'to, Tres?

Mapapatawad mo ba ko?

"Ganun ba? S-sige, balik na ko sa kwarto ko." Sabi ko at tinalikuran ko siya.

Nang maka-pasok ako sa kwarto ko ay doon lang ako naka-hinga ng maluwag.

Si Yani. Matagal na rin simula nung huli ko siyang makita.

Hindi ko akalaing magiging kabigan siya ni Tres.

Kailangan kong maka-usap si Yani.

~*•*~

A/N guyseu sabihin niyo lang kung naguguluhan kayo haha willing akong naman akong mag-explain anytime toot haha libre lang po mag-tanong kung may hindi kayo naiintindihan. Yieeee haha thank you po!

All AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon