Twenty-Sixth
-*- Kyle -*-
Nakita ko lahat. Hindi ko alam pero naka-ramdam ako ng takot.
Alam kong posibleng mangyari yon pero tanging takot lang ang naramdaman ko.
Nang makita ko kung pano niya yakapin si Riyan ay umalis agad ako sa kinatatayuan ko.
Nag-tungo ako sa lugar na 'to. Mapayapa dito at tanging tahimik na paligid lamang ang bumabalot dito.
Napa-buntong hininga na lang ako.
Pinag-bawalan ko siya pero hindi siya sumunod.
Hindi ko alam pero dumadaloy sa katawan ko yung sakit na hindi ko dapat nararamdaman.
Kasalanan ko din naman, dahil hinayaan ko siyang gawin 'to.
Kasalanan ko din kung bakit ako nasasaktan ng ganito.
Nakaka-awa.
Ilang saglit ay humangin at naramdaman ko siya.
Akalain mong pupunta siya.
Akala ko ay mananatili siya doon at hahayaan niya lang na yakap siya ni...ni Tres.
"Kyle.." ramdam ko sa boses niya ang takot.
Hindi ko siya tinignan. Ayoko. Dahil sa oras na tumingin ako sa kaniya ay masasaktan ako.
"Kyle, pumunta ko.." dagdag niya pa na tila nag-aalangan.
"Alam ko. Nakita ko. Nakita ko lahat." Mahinahong sabi ko at hindi ko pa rin siya tinitignan.
Hindi siya sumagot kaya ay nagpa-tuloy ako.
"Bakit mo hinayaan na gawin niya yon?" Malamig na tono ang lumabas sa bibig ko at ramdam ko ang takot niya.
"Hindi ko ginusto yon, Kyle!" Tumaas ang boses niya ngunit hindi ko pa rin siya sinusulyapan.
Hindi niya ginusto? Talaga?
"Hindi mo ginusto pero pumunta ka pa rin don." Hindi ko akalain na masasabi ko yon.
"Hindi ko naman alam na mangyayari yon. At mas lalong hindi ko ginusto yon!" Ramdam kong galit na siya. At napa-tayo na lang ako.
"Hindi mo ginusto? Pero hinayaan mo siya. Ganon ba yon, Riyan." Madiing sabi ko. Hindi ko maintindihan kung saan manggagaling yung mga sinasabi ko.
"H-hindi kita maintindihan. Bakit ganyan ka na lang mag-salita? Ano bang mali? Kay Tres, alam kong meron." Naramdaman ko ang pag-lapit niya at agad akong humarap sa kanya.
"Hindi mo maintindihan?" Napa-ngiti ako ng mapait. "Kahit kailan naman ay wala kang naintindihan sakin dahil hindi mo naman talaga iniintindi. Dahil gusto mo ang nasusunod." Natawa pa ko ng bahagya nang maalala niyang binanggit niya ang pangalan ni Tres. "Anong mali? Riyan, alam mo kung ano ang mali."
"Hindi yon ang punto ko! Kay Tres, anong meron sa kaniya?" Bakas sa kanyang mukha ang inis at pag-tatakha.
Ano nga ba? Anong meron sa kaniya na wala sakin?
Buhay.
Yon ang wala sakin.
"Sinabi ko na sayo. Nasa paligid mo lang ang sagot."
Kung ako sayo ay wag mo nang alamin dahil hindi mo gugustuhin ang totoo, Riyan.
Ganito pala kasakit mag-mahal. Sana ay hindi na lang ako dumating sa punto na 'to.
"Hindi ko alam kung anong klaseng sagot ang makukuha ko, Kyle. Bakit hindi mo na lang sabihin?" Nagma-makaawa na ang mata niya ngunit hindi ko hahayaang maapektuhan ako.
"Dahil wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay. At isa pa, kapag ba nalaman mo ay may mababago ba?" Ngumiti ako. Yung totoo. "Walang mababago, Riyan. Dahil nangyari na ang dapat na mangyari."
Gaya ng ginagawa ko ay tinalikuran ko siya at iniwan.
~*•*~
A/N: kyle, ano daw? Di rin kita naintindihan ahe haha.
Kung naguguluhan kayo ay may iniwan na kong clue haha xd.
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...