Twenty-Seventh
-*- Tres -*-
"Sorry, Tres. Kailangan ko na umalis." Aniya at iniwan ako.
Hindi ko alam kung bakit sobrang natakot ako nang nawala siya sa paningin ko.
Saan siya pumunta? Yan ang hindi ko alam.
At ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita ulit. Wala siya sa kwarto niya. Ibig sabihin ay hindi siya umuwi.
Umiiwas nanaman ba siya?
Nagitla ako nang mag-vibrate ang phone ko.
Mama calling..
Tumayo ako at nag-tungo sa kwarto ko saka ko sinagot ang tawag.
"Ma, napa-tawag ka?" Takhang tanong ko. Kadalasan kasi kapag wala sila ni Papa ay tumatawag siya kapag mismong araw ng noche buena, pasko o kaya ay bagong taon.
Pero ngayon ay tatlong araw pa bago ang noche buena.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. I miss her already. ["I just miss you, son."] May lungkot sa tono niya.
Lumapit ako sa drawer kung nasaan naka-lapag ang family picture namin.
"Si Kuya, hindi mo nami-miss?" Naka-ngiting tanong ko pa.
["I miss him, too. It's been a year.."] nag-buntong hininga siya at ramdam ko ang pagka-dismaya niya kaya ay hindi na siya nagpa-tuloy sa sinasabi niya.
Yeah, it's been a year since you left. Apat na araw na lang at pupuntahan kita, I want to celebrate this Christmas with you, Bro.
Sabi ko habang naka-tingin sa litrato.
"I miss you, Ma. Paki-sabi na lang din kay Papa." Napa-ngiti na lang ako.
["Yes, son--by the way! How's the ball? Um-attend ka ba?"] Excited na tanong niya at halos mabitawan ko yung frame nang maalala ko kung ano ang nangyari.
"P-pumunta ko, Ma." Walang ganang sabi ko.
Narinig ko ang ilang palakpak niya. ["How was it? Who's the lucky girl?"]
Nasapo ko ang noo ko. "Boring. And no one's lucky." Medyo naging sarkastiko ang pagkaka-sabi ko.
["What?"] Sigaw niya kaya ay nailayo ko ang phone sa tainga ko. ["Oops! Sorry for that, son. Nagulat lang ako. What do you mean by that? Wala kang date? First time mong um-attend then hindi ka man lang nag-yaya?"] Sunod-sunod niyang tanong kaya ay natawa na lang ako.
"Ma, kailangan ko nang ibaba. Matutulog na ko." Palusot ko dahil alam kong maraming pa siyang gustong itanong.
["Hay nako, Tres. Mga palusot mo kabisado ko na. Mana ka talaga sa Kuya mo."] Pareho kaming natawa nang dahil doo.
"Advance Merry Christmas, Ma!" Masayang bati ko.
["Merry Christmas din son. Take care of yourself. Yung bahay natin, bantayan mo.] Tumawa nanaman siya.
"Yes, Ma. Kuhang kuha." Binalik ko na sa ayos yung frame at humilata sa higaan ko.
["Very good. So that's all for today, son. I love you so much, Tres."] Malambing na aniya.
"I love you, too. Bye. See you next year." Paalam ko at binabaan ko na siya.
Lumabas ako sa kwarto ko at sumilip ako sa kwarto ni Riyan.
Oh? Wala pa siya? Umiiwas nanaman ba talaga siya? Pero bakit? Ano bang ginawa kong mali?
Tsk! Sinasabi ko sayo, Tres. Malala ka na talaga. Iba na yang iniisip mo.
~*•*~
A/N: konting push pa guyseu haha.
Thanks you sa pag-babasa.
Ang galing niyo kung nahulaan niyo na yung secret ni Riyan haha toot ahe. Godbless and thankyou ulit guyseu!
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...